"Napapadalas ata ang pagiging mag-isa mo tuwing vacant time ah?" Bumungad sakin na nakapamulsang si Jame Brancen sa harapan ko habang yung isa niyang kamay ay may hawak na chicken sandwich at may kagat na. Umupo siya sa tabi ko. Nanatili namang nakabusangot ang mukha ko. Pakiramdam ko sinasadya na talaga ng Rena na yun na gawin ang activity nila. Ba't ba ang tagal matapos nung sa kanila? Yung amin nga ay kahapon pa natapos! Nagpapalpitate ang kilay ko dahil sa babaeng iyon! "Selos?" sambit ni Jame Brancen. Napalingon ako sa kanya. Kakagatan niya na sana ang hawak niyang sandwich nang agawin ko iyon sa kanya at agad kinagatan. Bumusangot agad ang mukha niya habang sinusulyapan akong ngumunguya. Matalim ko siyang tiningnan kaya napakurap siya. Eh sa naiinis ako sa Rena na yu

