Sa pagmulat ng aking mga mata at tumambad sa paningin ko ang puting kisame. Iniikot ko ang aking paningin sa kabuuan ng silid, hanggang sa nahagip nito ang isang swero na nakakabit sa kamay ko. Bigla ang paglusob ng matinding lungkot sa puso ko. “Bakit buhay pa ako?” Walang gana kong saad sa mahinang tinig. Matinding disappointment ang nararamdaman ko ng mga oras na ito, dahil hindi ito ang gusto ko. Umangat ang kaliwang kamay ko at pinagmasdan ang swero na nakakabit sa kamay ko. Sinundan ko ng tingin ang kulay puti nitong hose, saka sinipat ng tingin ang bawat pagpatak ng tubig mula sa isang plastic ng botelya. Ewan ko ba pero parang tinatamad ng mag-isip ang utak ko kaya mas pinili ko na lang ang ipikit muli ang aking mga mata. Pinuno ko ng hangin ang dibdib ko, kasunod nito ang pag

