Hair Zaiden Pierce: Parking lot after class Pati sa text ay may nakangising emoji pa talaga siya. Napailing-iling na lang ako habang nakatitig doon. Hindi ko maiwasang mapalingon sa kinauupuan niya. Nagulat pa ko nang maabutan siyang nakatingin na rin sakin. He even raised his phone slightly at me. Plus there was a small smile on his face. Umiwas na ko ng tingin at tinuon iyon sa harapan. "That's all for today. See you next meeting," paalam ng prof. Hinagilap niya lang lahat ng gamit bago lumabas na rin ng silid. "Ellie, bibili ka?" Napalingon ako kay Yael na nag-aaya. Tumango ako. "Tara," Tumayo na kaming dalawa para lumabas at makabili ng makakain para sa break. Laking pasasalamat ko at mukhang tapos na sa pang-aalaska sa akin si Yael. Mula pa lang kasi kanina pagpasok niya

