Chapter 2

1522 Words
Floral "Hi, top one!" Lumipat ang tingin ko sa nasa gilid. Nadatnan ko ang isang babaeng may kulot na buhok at mas maliit kumpara sa akin. Cute siyang tignan suot ang uniporme namin lalo na't malaki ang ngiti niya sa akin ngayon. Naglahad siya ng kamay. "Macy," Medyo gulat pa man ay tinanggap ko na rin iyon.  "Ellie," ngiti ko rin. She scrunched her nose. "Sorry ang FC ko ah? Actually magkatabi tayo ng upuan dun kanina," sabay turo niya sa pinwestuhan ko. Nanlaki ang mata ko. "Talaga? Hindi ko napansin!" Ngumiti siya nang tipid. "Kanina ko pa sana gustong mag-approach kasi napansin kong wala ka ring kasama o kaibigan tulad ko kaya lang tutok na tutok ka sa program," I chuckled a bit. "Sorry! Na-carried away lang," biro ko. Ngumisi rin siya. "Grabe nagulat ako nung tumayo ka pagka-tawag sa rank one! Ang galing mo!" I scratched my nape. "Hindi naman. Nadala lang talaga sa sobrang review," "Sus! Okay lang yan, hindi mo kailangang magpaka-humble sakin!" Nalaglag ang panga ko. "Totoo nga!" pilit ko. Napahalakhak siya. "Sige sabi mo eh," she teasingly said.  I shook my head in defeat. She chuckled at my expression. "Ano palang block mo?" tanong niya. "X1," sagot ko. Her face fell. "U1 ako. Sayang, hindi pa tayo nagka-pareho!" Nakadama rin ako ng panghihinayang. Nang biglang mag-anunsyo na ng tungkol sa pagsasama-sama ng magkaka-block ay sabay kaming naglakad patungo sa mga ushers. "Alam mo, ang tagal ko nang pangarap magkaroon ng matalinong kaibigan. Finally!" halakhak niya. Imbes na umangal sa pag-konsidera niya sa akin bilang matalino ay may humaplos sa puso ko nang mapagtantong itinuturing niya na ko bilang kaibigan. "Taga san ka nga pala? Uwian ka ba or dorm?" kyuryosong tanong ko. "Taga Batangas ako eh. Pero dyan lang sa Catalan yung apartment na nakuha ko," Napasimangot ako. "Sayang, magka-iba na naman tayo," "San ka ba?" mabilis na tanong niya. "Demarces," Nanlaki ang mata niya. "Magkatabi lang yun! Dadalawin na lang kita! Pwede raw ba bisita sa inyo?"  Nagulat ako sa sunod-sunod at excited na pagkakasabi niya. Tumango-tango ako. Ngumiti siya. "Samin din pwede! Tambay-tambay na lang minsan," Madaling makagaanan ng loob si Macy. Buti na lang ay may kagaya pala ako rito na wala ring kahit sinong kakilala. Mahirap din kasi talagang makipag-kilala sa may mga kasama nang kaibigan. In-add namin ang isa't isa sa f*******: para maging madali na lang ang pagcha-chat. Nagsabi rin kami sa isa't isa na kapag kailangan namin ng kasama ay mag-message lang.  Gumaan ang dibdib ko sa kaisipang nakakuha na agad ako ng kaibigan. Ngayong malayo sa pamilya ay malaking bagay talaga ang pagkakaroon noon. Ang lungkot naman kasi kung mag-isa kong gagawin ang mga bagay tulad ng pagkain. Nagpaalam kami sa isa't isa para magtungo na sa kung nasan ang kanya-kanyang blockmates namin. Pagdating ko sa kung nasaan ang block namin ay agad lumipad ang mata ko sa pamilyar na lalaki.  May katabi na siya ngayong isa pang lalaki na may hawak na maliit na paper cup mula sa buffet, hindi ko matukoy kung kape o mainit na tsokolate ang laman noon. Halos magkasingtangkad lang sila.  Panay ang ngisi ng kasama niya habang tila may mga sinasabi sa kanya. Namangha ako nang saglit na may sumilay rin na ngiti sa labi niya pero hindi rin ito nagtagal. Umiiling-iling ang ulo niya habang tila nagpipigil ng ngisi sa mga binubulong ng katabi. "X1, best block!" pabirong sigaw ng upperclass na magli-lead sa campus tour namin.  Naghiyawan ang mga kasama namin habang ang mga katabing ibang block ay kinontra iyon at nang-asar din. "Okay, guys, pakilala muna tayo isa-isa ha? Kami na magsisimula," ani ng lalaking upperclass habang tinuturo silang dalawa ng kasama niyang babae. Pinabuo kami ng isang bilog at pinag-compress. Habang naglalakad at umuusog para mabuo ang bilog ay napansin ko na lang na katabi ko na ang lalaking tinititigan ko lang kanina. Hindi ko alam kung para saan ang biglang pagbilis ng t***k ng puso ko. Umikot na ang pagpapakilala hanggang makarating sa aming dalawa. Halos kilabutan ako nang matapos akong magsalita ay muli ko nang narinig ang boses niya. Spencer. Yun ang pangalan niya. "Wow, nandito parehas yung rank one and two?" humahalakhak na sabi ng nagli-lead. "X1 best block talaga! X1 lang malakas!" pumapalakpak na sabi niya.  Nakisabay ang mga blockmates namin sa hiyawan at palakpak. Natawa na rin ako. Sunod na nagsalita ang katabi ni Spencer sa kabilang gilid niya. "Zaiden Pierce R. Esquivel. Mine for short," he chuckled. Napangiwi ako sa narinig. Lalo na nang sundan iyon ng hiyawan ng mga babae. "Kidding," he hoarsely countered. "Y'all can call me Zaid," then his lips curved into a flashy smirk. Lumukot ang mukha ko, hindi makapaniwalang ang isang pilyong tulad niya ay kaibigan ng matinong si Spencer. "All right, before we officially start the campus tour proper, we have to elect your block head. This person would be the face and spokesperson of your block. Maraming opportunities na natatanggap ang block leader guys, so I encourage you to immediately volunteer if you're interested." Kumabog ang dibdib ko sa narinig. Hindi na ko nagdalawang isip at tinaas ang kanang kamay.  Nakita kong gulat na napatingin sakin ang upper pati na rin ang iba. "Okay..." alanganing sabi ng nagli-lead. "Si Ellie... Sino pa?" dagdag niya. Wala nang ibang nagtaas ng kamay. Hihinga na sana ko nang maluwag kung hindi lang muling nagsalita ang nasa harap. "How about you, Spencer?" baling nila sa katabi ko. Nanlaki ang mata ko at nilingon din ito.  "I'm.. fine with it," he lazily said. Nalaglag ang panga ko at binalik ang tingin sa gitna. Nakita kong nabuhayan ng mukha ang dalawang upper. "Okay! So.. let's vote?" "Wait!" napalunok ako.  "Can I... campaign for myself?" sabi ko habang iniipon ang lakas ng loob. Ramdam kong natigilan sila. Ginala ko ang tingin sa mga blockmates at karamihan ay nakatitig na sakin habang naka-awang ang bibig. Si Spencer ay blangko lang ang ekspresyon. The Zaid guy looks amuzed though. "Uh.. yeah sure, Ellie. Go ahead.." Ngumiti ako nang tipid. I stood properly and turned my chin up.  I intoduced myself properly once again. Gave them a brief background about my few leadership experiences in high school. I also shared what I look forward and envision to do once I get the position. I pledged and vowed to be the best that I can be as I ended my statement. Binalot ng katahimikan ang paligid matapos kong magsalita. Bigla akong nakaramdam ng hiya nang mapagtantong masyado atang napahaba ang mga sinabi ko. Nilibot ko ang tingin sa mga kaklaseng nakapabilog. Karamihan ay hindi mabasa ang ekspresyon. Ang may kakaibang reaksyon lang ay ang katabi ni Spencer. Mayroon itong nakakalokong ngisi sa labi habang pinaglalaruan ang paper cup na ngayo'y wala nang laman. The upperclass cleared her throat. "Okay, what about you Spencer?" Si Spencer ang tinanong pero si Zaid ang humalakhak.  "Dude just tell them this," rinig kong bulong niya. "Don't be shy, give me a try." turo niya gamit ang nakakakilabot na tono.  He chuckled after delivering it. Parang biglang gusto kong linisin ang tainga dahil sa malaswang paraan ng pagkakasabi niya. Kung tutuusin ay wala namang masama sa mga salitang nabanggit pero dahil siya ang nagsabi ay parang may hidden innuendo na iyon. Spencer's face remained void of any emotion though.  He simply shook his head before saying that he doesn't have anything to say. Nag-parte ang labi ko sa narinig. "Then let's vote?" the upperclassman inquired. "Who's up for Ellie?" I raised my hand because I volunteered for this so who the heck am I going to vote but myself? Muling binalot ng katahimikan ang paligid. Unti-unting nalaglag ang panga ko nang makitang walang ibang nagtaas ng kamay. Meron pala. Isa. Yung katabi ni Spencer. Nakangisi ito habang kagat-kagat ang paper cup at nakataas ang isang kamay. Hindi ko alam kung ba't imbes na tuwa ang maramdaman sa kaisa-isang bumoto sa akin ay inis ang bumalot sakin habang tinititigan siyang nakatingin din sakin gamit ang nakakalokong ekspresyon. The upperclass awkwardly cleared his throat. "For Spencer?" Hindi nagtaas ng kamay ang katabi ko ngunit hindi na rin naman talaga kailangan dahil ang lahat ng ibang naroon ay bumoto para sa kanya. Parang biglang gusto kong magpalamon sa lupa dahil sa tinamo. May kakaibang humahalukay sa kalamnan ko matapos ang sinapit. Hindi na ko makatingin sa kahit na sino dahil sa nakakahiyang sitwasyon. Pormal na inanunsyo ang pagkapanalo ni Spencer ngunit nanigas na ko sa kinatatayuan ko.  Kahit matapos sumigaw na lalarga na kami para isagawa ang campus tour ay hindi pa rin ako makagalaw. Nagsimula nang maglakad paalis ang iba subalit tila napako na ang paa ko sa kinatatayuan. "Baka ayaw nila sa mahilig sa floral, Miss." Tumayo ang balahibo ko sa batok nang marinig ang nanunuyang tono ng lalaki. Umangat ang tingin ko at nagtagpo ang mata namin ni Zaid.  He raised both his brows cockily as our gazes locked.  Kumunot ang noo ko nang hindi agad makuha ang sinabi niya. Sumilay ang nakakalokong ngisi sa labi niya bago walang pakundangang binagsak ang tingin sa dibdib ko.  Naramdaman ko ang matinding pag-init ng pisngi ko sa sandaling iyon. Inangat niya ang tingin sa akin bago muling ngumisi. "Nice prints though," Nanunuya ang tono niya. Muli niya pang pinasadahan ng tingin iyon bago dinala ulit sa bibig ang paper cup at kinagat iyon. Nahuli ko pa ang muling pag-ngisi niya bago tumalikod at naglakad palayo. Laglag ang panga ko sa buong pangyayari. Bumaba ang tingin ko sa suot na kulay puting polo kung saan bahagyang matatanaw sa loob ang bulaklakin kong b*a. Hindi naman iyon masyadong pansin lalo na kung hindi tititigan nang matagal. Umusok ang pisngi ko habang inaangat ang tingin sa papalayong pigura ng lalaki. Bastos!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD