Kabanata 2

1102 Words
Cheat Hinubad ko ang gown ko sa hotel at nagpalit ng simpleng T-shirt at sweatpants. Hinubad ko rin ang make-up ko at nagmamadaling umalis sa hotel upang sundan si Gregory. Ipinagdasal ko na sana mali ang iniisip ko. Tumulo ang luha ko habang pinara ang isang taxi na papalapit. “Manong, malapit lang naman,” nagmamadali kong sinabi nang hinintuan ako ng driver. “Ituturo ko po sa inyo ang lugar!” Tumango ang driver at agad akong sumakay sa loob ng taxi. Itinuro ko kay Manong driver ang direksyon at nagmakaawa pa ako na bilisan ang kanyang pagmamaneho. Kinakabahan ako habang pinagsiklop ko ang magkabilang kamay ko. Nang makarating kami ay agad kong binayaran si Manong sabay labas ng taxi. Narinig ko pa ang kanyang sigaw na may sukli pa pero inilingan ko lang siya at nagmamadaling pumasok sa loob ng building. Pumasok ako sa elevator at pinindot ang number 10. Mabuti at ako lang mag-isa sa elevator dahil umiiyak na talaga ako. Hindi ako ganito na girlfriend. Kailanman ay hindi ko pinagdududahan si Gregory dahil may tiwala ako sa kanya. Pero ano itong ginagawa ko? Nandito ako, kahit ang sabi niya ay hindi siya rito matutulog. Nang makarating na ako sa 10th floor at agad akong lumabas at mahina akong naglakad patungo sa tapat ng pinto. Nanginginig ang aking kamay habang natatarantang kinukuha ang spare key sa bulsa ko. Bumilis ang t***k ng puso ko at napalunok. Nagdadalawang-isip ako dahil baka mali ako. Humugot ako ng malalim na hininga bago binuksan ang pinto. Madilim na unit ang bumungad sa akin. Mahina akong naglakad para hindi makagawa ng ingay. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko at pinagpapawisan ako. Please, huwag. Sana mali ako, Gregory. Natigil ako sa paghakbang nang makarinig ako ng isang ungol at mga tunog ng halik. Nabitiwan ko ang spare key sa carpeted na sahig at napatakip sa aking dibdib. Unti-unti kong nilingon ang kwarto ni Gregory kung saan nakabukas at hindi yata naisarado. Nanunubig muli ang mata ko at unti-unting humakbang papalapit doon. Nang tuluyan ko nang makumpirma ay napaatras ako sa gulat at natulala ako saglit. Hubo’t hubad si Gregory habang binabayo ang kanyang sarili sa babaeng nakaposas ang kamay. Kitang-kita ko kung paano nagkaisa ang kanilang katawan at kung paano pinahirapan ng husto ni Gregory ang babae. Tumulo ang luha sa aking mata at napaatras. Tatalikod na sana ako nang aksidente kong nasagi ang isang vase na ikinatigil nila pareho at dali-daling nilingon ako. Sinapo ko ang bibig ko para hindi makagawa ng ingay pero nakita na ako ni Gregory na gulat na agulat nang makita ako. “K-Khad,” nauutal na sambit niya at agad umalis sa pagkaibabaw ng babae. Hindi pa rin tumigil sa pagtulo ang luha ko at umiiling-iling. Tinatanggi ko ang aking nakita at pilit kong ipinasok sa utak ko na panaginip lang ito. Pero nang marinig ko ang pagtawag muli sa ‘kin ni Gregory ay tuluyan na akong namulat sa katotohanan na hindi panaginip ang pangyayaring ito. Inilingan ko siya at tinalikuran. Nagmamadali akong lumabas sa unit niya ngunit napaharap muli ako sa kanya nang bigla niya akong hinila at pinaharap sa kanya. Hindi na siya nakahubad ngayon pero sobrang sakit ng ipinaranas niya sa ‘kin. “K-Khad.” Nanginginig ang kanyang kamay at umiling-iling siya sa ‘kin. Hindi ko siya kayang sampalin. Hindi ko kayang manakit pero isa lang ang gusto kong itanong mula sa kanya. “B-Bakit?” maluha-luha kong tanong. “Bakit?” Akmang hahawakan niya ang kamay ko pero iniwas ko ito. “K-Khadijah, s-sorry. Mahal na mahal kita. M-May pangangailangan lang ako—” “Bakit?” sigaw ko sabay tulak sa kanya. “Bakit? Ano bang kulang ko, ha?” Nanatili lang siya sa kanyang pwesto, hinayaan ako na itulak siya. “Greg!” Halos hindi ko na malinaw na nakikita ang nasa harapan ko dahil napuno na ng luha ang mata ko. “Wala akong pakialam sa libog mo! Kung mahal mo ako, hinding-hindi mo ito gagawin! Kung totoong mahal mo ako, hindi ka magtataksil!” “Khadijah…” Mas lalong sumikip ang dibdib ko. “Saan ba ako nagkulang, Gregory? Saan ba? Binigay ko naman lahat ng pagmamahal ko sa ‘yo. Ikakasal na tayo! Sana sinabi mo sa ‘kin dati pa na ayaw mo na at sawa ka na sa ‘kin para hindi ka na maghirap!” Humagulhol ako sa harap niya. Nanghihina na ang tuhod ko, nakakahina ang nakita ko. “Khad…” pagsusumamo niya. Umiling ako at pinunasan ang luha sa mata ko. “It’s over, Gregory. Gagawin ko ang lahat, hindi lang maituloy ang walang kwentang kasal! Hindi ko kayang magpakasal sa isang lalaki na hindi marunong makuntento! Kahit mamatay ako, gagawin ko ang lahat, hindi lang matuloy ang kasal! Hindi ko kakayanin na kapag bibigyan kita ng pagkakataon, baka gagawin mo naman ulit!” Matapang ko siyang tinalikuran at tumakbo palabas. Dumeretso ako sa elevator at umiiyak mag-isa. Paulit-ulit bumabalik sa isip ko ang nakita ko kanina at mas lalo lang akong kinakapos ng hininga. Tinakpan ko ang mukha ko nang makalabas ako sa elevator. Tumakbo ako papalabas ng building at sinalubong ang lumuluhang langit. Sinabayan yata ako sa sakit. Sinabayan ako sa pagdalamhati. Wala akong pakialam kung magkasakit man ako. Gusto ko na kahit ang ulan man lang, ay maintindihan ako. Gusto kong ilabas ang bigat na nararamdaman ko sa kanya. “Bakit?” sigaw ko sa gitna ng ulan. “Bakit ganito ang kinahantungan ko? Bakit ang unfair ng mundo sa ‘kin?” Sinuntok-suntok ko ang dibdib ko dahil sa sakit na nararamdaman. “Pagod na pagod na ako!” Tumingala ako sa madilim na langit. “Lahat na lang ng tao sa paligid ko ay sinasaktan ako! Gusto ko lang naman lumigaya! Pero bakit ako pinarurusahan ng ganito!” Mukha na akong baliw habang sumisigaw sa gitna ng ulan. Pero masisisi ba nila ako?Niloko ako ng taong mahal ko. Umuwi ako sa bahay na basang-basa. Mabuti na lang at nasa hotel pa ang mga magulang ko kaya si Manang Lourdes lang ang nakakita sa akin. Sinabi ko sa kanya na huwag na ipaalam sa kanila ang nangyari sa akin dahil kahit ipaalam pa ni Manang Lourdes, wala pa rin silang paki sa akin. Gusto kong iiyak lahat sa kwarto ko. Naitanong ko na lang sa akin na may kulang talaga sa akin na meron sa iba. Mahal na mahal ko si Gregory pero hindi ko matatanggap ang kanyang ginawa. I don’t deserve to be cheated. No one is.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD