Nakalabas na si Glenda sa ospital matapos Ang ilang Araw na pagkaka-confine. Nang masiguro na mabuti at okay na Ang pakiramdam nito, ay nagdesisyon siyang umuwi na. Matapos maihatid sila sa bahay nila, at mapagbilhan Ng makakain nito, ay nagpaalam akong uuwi na muna. Ilang araw na Rin akong Hindi nakauwi sa amin. Dahil Hindi ko kayang iwan Ang mag-ina ko habang nasa ospital pa. Dumaan lang Muna ako saglit sa karenderya para ipaalam Kay Tiya Maria na uuwi na muna ako sa amin. May pag-aalala sa mukha nito. Ninais nitong sumama sa akin pero pinigilan ko. Palagay ko, magiging okay din Ang lahat. At saka, Walang tatao sa karenderya kung sasama pa Siya sa akin. Gamit Ang pinahiram na motorsiklo ni Tiya Maria, umuwi na ako. Pagdating sa bahay, ang tahimik. Ipinarada ko Muna Ang motorsiklo, ini-of

