Matapos maiparada ang motorsiklo, inilang hakbang ko lang Ang pagitan Ng parking area at nurse station. Matapos Malaman Ang kinaroroonan ni Glenda, patakbo ko iyong tinungo. Pagdating doon, Nakita ko sa labas Ng kwarto Ng ospital Ang mga kaibigan Niya, Sina Teri at Matet, ang mga magulang ni Glenda, at Si Tiya Maria. Agad ko silang nilapitan. "Tita... Tito..., si Glenda Po..?" Sobrang pag-aalala at kaba Ang nararamdaman ko. Natatakot din dahil baka kung ano na Ang nangyari sa nobya ko. Nakita ko Ang pormal at kalmado na ekspresyon Ng mukha Ng Papa ni Glenda. Binalingan ko Ang tiyahin. "Tiyang, A-ano Pong nangyari Kay Glenda..?" Siya ring paglabas Ng doktor Mula sa loob Ng kwartong iyon. "Sino sa Inyo Ang mga magulang Ng pasyente..?" "Kami ho, dok.." Hinarap Ng doktor Ang mga magula

