NANG MAKAHIGA NA ako, tinakpan ko muna ang mukha ko. Ewan ko ba sa sarili ko kung ano ang nangyari. Parang sa isang iglap lang, bigla akong nakaramdam ng hiya. Siguro naman ay valid itong nararamdaman ko, ’di ba? Ito ang unang beses na mararanasan ko ito kaya hindi ko pa alam kung paano kontrolin ang emosiyon ko. Ang kunting takot at kaba ay naghalo-halo sa loob ng puso ko. Parang hindi ko na alam kung anong gagawin ko. “Bakit nahihiya ang baby Nana ko?” tanong ni Kuya, may halong pang-aasar sa boses niya. Grrr! Naiinis ako na kinikilig. Inaasar niya ako. Sa tuwing naririnig ko ang boses niya, parang may martilyo na nakababasag sa mga pader na gawa sa salamin ng aking nararamdaman. Tinanggal ko na ang mga kamay ko mula sa aking mukha at napatitig sa gwapong mukha ni Kuya. Isang matalim

