Nandito lang kami ngayon ni Castiel sa loob ng elevator dahil pauwi na kami. Ihahatid niya daw ako pauwi ngayon sa bahay at pumayag naman ako--- bakit naman hindi? Wala naman akong rason para tanggihan siya? Hehehe. “Sure ka ba na ayaw mong kumain?”tanong niya sa akin. “Hindi na. Busog pa kasi ako dun sa kinain natin kaninang lunch.”sagot ko sa kanya. Sabay din kasi kaming kumain ng tanghalian kanina at tsaka medyo pagod na rin ako maghapon kasi ang dami kong ginawa. Gusto kong matulog ng maaga ngayon para naman maging fresh ang utak ko kahit papano. Ang dami ko kasing iniisip ehh. “Okay. Actaully, gusto din sana kitang yayain na lumabas bukas kasi weekend naman kaya lang meron akong schedule para i-meet yung mga sponsors para sa gaganapin nilang event.”sabi niya. Sakto naman na bumu

