TY Hindi ko maiwasan na batuhan nang pa simpleng tingin si Castiel habang nagmimisa ang pari sa may harapan namin. Tahimik lang siya at wala akong emosyon na nakikita sa kaniya ngayon, pero kahit ganon ay alam kong deep down inside ay nalulungkot siya. Kasunod kong binatuhan nang tingin ay sina Tito Edward at si Lee sa may kabilang row ng bangko which is katapat lang ng bangko namin ni Castiel. Nakita ko na umiiyak na si Tito habang si Lee naman ay hinihimas ang likod nito para damayan. Biglang naalala ko si Dad nung nililibing din namin si Mama, umiiyak din siya. Alam ko yung sakit na nararamdaman nila ngayong mga oras na toh. :( Maya maya pa ay napansin ko naman ang ginawang pag bato ni Lee sa akin nang tingin kaya naman nag tama ang mga mata namin. Pasimple ko siyang nginitian para

