Paglabas ko sa comfort room ay medyo nagulat ako nang biglang sumulpot din sina Matt at Lovely sa may gilid ko at nag aalala ang ekspresyon ng mga mukha nila. “Bakit ang tagal mo? Binayaran na namin yung pagkain mo sa Cafeteria.”mahinang sabi ni Lovely sa akin. “Nag alala kami sayo kaya sumunod na kami dito.”sabi naman ni Matt. Dahan-dahan ko namang sinasarado yung pinto ng CR sa may likod ko bago ko sila hinarap at ngumiti ng simple. “Sorry. Parang may nakain ata akong masama kaninang umaga, sumasakit tuloy ang tiyan ko kaya medyo natagalan ako.”sabi ko sa kanila. Napatingin naman sila sa akin nang diretso at dahil natakot akong baka mahalata nila na galing ako sa pag iyak kaya ako na mismo ang umiwas nang tingin. “Tara na, ilang minuto na lang at matatapos na ang breaktime natin.”sa

