THIRD PERSON's POV Mabilis na tumayo si Breigh sa kanyang pinag kakaupuan upang harapin si Lee. "Uwi na lang muna ako Lee, kasi-- hi- hindi din kasi alam ni Dad na nandito ako sa ospital. "Mahinang paalam ni Breigh sa kaibigan. Pero ang totoo sa likod nang kaniyang pamamaalam ay dahil sa sinabi ni Lee sa kaniya na kailangan nitong tawagan ang Kuya Castiel niya para ibalita na nasa ospital nga ang Mama nila. Hindi din sana gusto ni Lee na sabihin yun sa kapatid dahil nga sa nangyari noong huling pag uusap nila sa kompanya nito kung saan sinugod niya ito at sinaktan ng pisikal -- pero alam naman niya na kung sa kanilang dalawa ay mas may karapatan pa rin ang Kuya Castiel niya na malaman ang nangyayari dahil ito ang tunay na anak ni Caroline. Alam din niya na mas gugustuhin ng Mama n

