LEE’s POV Mabilis ko nang sinarado ang pinto ng kotse ko at umakyat na sa may condo unit ko. Ilang minuto lang ay nasa harapan na ako ng pinto ko at nag doorbell na, nag hintay lang ako ng ilang segundo at tuluyan na ngang bumukas yung pintuan. “Thanks Bro.”sabi ko sa kanya at ti- nap ko pa ang balikat niya nang tuluyan na akong pumasok. “Bro, I have to tell you something.”sabi ni Derek sa akin pero nag patuloy lang ako sa pag lalakad. “Maybe tomorrow na lang Bro, pagod na kasi ako eh.”sabi ko sa kanya at hindi ko man lang siya nilingon. Naglakad na ako papasok sa kwarto ko pero agad akong napatigil sa pag hakbang nang may makita akong isang taong naka upo sa may couch ko. “Yan ang ibig kong sabihin kung bakit may kailangan akong sabihin sayo.”mahinang bulong ni Derek sa tenga ko. B

