BREIGH’s POV Pagkalabas ni Kuya ay tsaka ko ulit binatuhan nang tingin si Lee kung saan ay nakatingin na rin siya sa akin. "Hindi mo naman ako kailangang bantayan eh. Wala na si Kuya kaya pwede ka na ring umalis. "Mahinang sabi ko sa kanya. Napailing naman siya habang nagpapatawa tsaka niya hinigit yung maliit na bangko sa may gilid niya at umupo sa may tabi ko. "Haha. Sa itsura ngayon ng Kuya mo, I think mapapagalitan niya din ako kapag iniwan kita dito nang mag isa. "Natatawasang sabi niya kaya hindi ko din maiwasan na mapatawa. Kung sabagay, tama nga siya doon. "Kaya naman babantayan kita hangga't dumating siya. Kung hindi naman siya dumating edi much better kasi mababantayan kita nang magdamag. "Nakangiti pa rin na sabi niya. Napakunot naman ang noo ko habang nakangiti din.

