THIRD PERSON’s POV Hindi inaasahan ni Breigh na si Lee ang makikita niya sa pag bukas niya ng pinto ng unit niya. Hindi naman maiwasan na Lee na mapansin ang bagay na yun kaya ang malapad niyang ngiti kanina ay unti-unti na rin na napawi. “You didn’t expect me right?”mahinang tanong niya sa dalaga at mukhang napansin din yun agad ni Breigh kaya mabilis siyang umiling. “No.”she said but it seems that Lee is not convinced to her ‘NO’. “Well, oo. Hindi ko talaga inaasahan na ikaw yung makikita ko.”malumanay na pag amin niya sa binata. “Pero alam mo naman na pupuntahan kita ngayon diba?”mahina pa rin na sabi ni Lee na parang nalulungkot pa rin at medyo nagtatampo. “Oo. Alam ko naman yun pero kasi--- malapit na yung kasi magsimula yung event kaya akala ko ang Kuya mo na ang nag-door bell.

