BREIGH’s POV Hindi ko na alam ang gagawin ko nang makita ko na talaga na nanghihina na si Tita Caroline, visible na rin ang pangingilig ng dalawang kamay niya kaya agad na akong nag panic, hindi ko na rin mapigilan ang pag tulo ng luha ko. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko kahit nangingilig na rin ang mga kamay ko tsaka dinial ang cellphone number ni Lee. Ilang rings lang yun at tuluyan niya nang sinagot. Inipon ko ang lakas ko para makapag salita habang diretso pa rin na nakatingin kay Tita Caroline. “A- asan kayo? Si— si Tita— pu-pumunta na kayo dito. BILISIN NIYO!”sabi ko habang patuloy ang pagtulo ng mga luha ko na hindi mapigilan. Hindi ko siya kayang makita sa ganitong sitwasyon dahil – dahil parang nakikita ko rin ang nangyari noon kay Mama. Kahit ang totoo ay nakayakap lang

