(Clarisse's POV) Kinabukasan ay naisip kong maligo sa pool na kasama sa amenities ng condo ko. Paminsan-minsan lang akong maligo sa pool dahil may bathtub naman ako sa unit ko. Isa pa ay ang daming naliligo sa pool at kung minsan ay may mga lalaking nagpapapansin o lumalapit sa akin kaya naiirita lang ako dahil naaabala ako sa paliligo. Imbes na makapagrelax ay nai-stress pa ako minsan. Porket kasi wala akong kasamang lalaki ay iniisip agad yata ng mga kalalakihan na ready to mingle ako. But the truth is I just want to enjoy alone and at peace. Pero iba ngayon dahil kasama ko ang asungot na si William. Ayaw pa nga niya akong magsuot ng bikini pero wala rin siyang nagawa sa huli kundi hayaan na lang ako dahil kung magpupumilit siya ay hindi ko na lang siya isasama sa paliligo ko. "Willia

