(Clarisse's POV) Nangangasim na naman ang sikmura ko so early in the morning! Arghh! Palagi ko na lang nararanasan ang ganito for few days now. Resulta na siguro ito ng pagbabawas ko ng pagkain dahil na rin sa pananabang ng panlasa ko lately. Wala namang ibang posibleng dahilan— Oh my, God! Please God, no! Hindi naman siguro ako buntis?! No, no, no! Hindi puwede! Ano na lang ang mangyayari kung sakali ngang buntis ako?! Matatanggal ako sa trabaho! I won't get a project for the mean time at mati-tengga ang modelling career ko! Worst ay kung tuluyan na akong mawala sa modelling industry! Hindi... Pinakahigit pa sa lahat ay magiging isang ina na ako! At si William... Lalo siyang mangungulit sa akin kapag nagkataon! Oh my God, 'wag naman sana! Baka mapikot niya ako bigla! I have to thin

