(Clarisse's POV) Makalipas ang ilang araw matapos kong balewalain lahat ng text messages at tawag ni William, maging ang pagbisita niya paminsan-minsan ay hindi na rin ako nakatiis na kausapin siya. Fine! I admit to myself that I miss him! Kahit napakakulit niya at maingay siya ay natutuwa pa rin ako sa kanya. Mas masaya pa rin ako kapag nariyan siya at umaaligid sa akin, dinadaldalan ako at inaalagaan niya kami ng baby namin kahit ang alam niya ay ako lang ang inaalagaan niya. Actually, wala sana akong balak na hindi siya pansinin ng ilang araw. I just needed one alone and peaceful night! Kaso, porket pinauwi ko na siya nang gabing iyon ay ni hindi man lang siya nagtext o tumawag sa akin pagkatapos. Ni hindi siya nagtext kung nakauwi na ba siya o ano. Hmp! I don't know kung tampo ba iy

