(Clarisse's POV) "How is it? Masarap ba?" Tanong sa akin ni William matapos kong tikman ang sabaw ng karneng baboy na niluto niya. Mukhang sinadya niyang hintaying matikman ko muna ang niluto niya bago siya kumain dahil matapos niyang lagyan ng kanin at ulam ang pinggan ko at lagyan ng sabaw ang isang mangkok ay tumunganga lang siya sa akin. Lihim naman akong humanga sa kanya sa sarap ng pagkakaluto niya. Siya ba talaga ang nagluto? Parang gusto ko pa sanang magduda pero napansin ko sa trashcan ko kanina ang mga dumi at kalat niya sa pagluluto kagaya ng mga lumang dahon ng gulay na hindi na niya isinama. Nasilip ko rin sa ref kanina ang mga ipinabili niya sa asisstant niya. Hmp. Bakit naman kaya siya nagpadala ng groceries sa condo ko? Akala ba niya, porke't may nangyari na sa amin uli

