(Clarisse's POV)
3 hours ago....
Shit!
Ilang beses na akong napalingon sa likod ko dahil malakas ang pakiramdam kong may sumusunod sa akin. Hindi lang isa o dalawa, ramdam kong marami sila! At alam kong hindi maganda ang pakay nila sa akin!
Nagtatayuan na ang mga balahibo sa halos buong katawan ko lalo na sa mga braso at batok ko dahil ramdam ko ang nakaambang panganib.
Binilisan ko pa ang paglalakad ko palayo sa madilim na eskinita kung saan na-flat ang gulong ng kotse ko. Damn! Bakit naman dito pa na-flat ang gulong ng kotse ko?!
Nagmadali akong lumiko nang makakita ako ng liwanag sa di kalayuan doon pero bigla na lang may humablot sa mga braso ko at sapilitan akong hinila papunta sa kalsada kung saan ay natanaw kong may paparating na itim na van!
"Ahh! Help! Help me!" Nagawa kong sumigaw ng malakas bago nila ako tuluyang nahila kasabay ng pagbukas ng van sa gilid ng kalsada!
Nagpumiglas ako sa kanila! How dare them touch me! They are surely some dirty goons na may masamang balak sa akin.
I was about to shout for help again but one of them suddenly pressed a stinky handkerchief on my mouth and nose. Seconds passed and my vision slowly got blurry and I felt sleepy. But before I eventually lost my consciousness, nahagip pa ng nanlalabong paningin ko ang paglapit sa amin ng isang lalaki at wari ay ililigtas niya ako. Sa nagdidilim na paningin ay nakita ko pang sinuntok niya ang isa sa mga goons na kumikidnap sa akin at sinipa naman niya ang isa na naging dahilan ng pagbagsak ng mga ito. Nakaramdam ako ng pag-asa! Ililigtas niya ako, thank goodness!
But then, biglang nagsulputan ang iba pang mga nakaitim at nakabonnet na lalaki sa palibot ng lalaking iyon at nang pagtulungan siya ng mga goons na iyon ay tuluyan na ring nagdilim ang lahat sa akin.
○○○○○
(William's POV)
I feel great tonight because after a while na galit sa akin ang kaibigan kong si Luke ay finally kinausap na niya ako at niyaya pa akong uminom!
Dahil lang sa joke ko noon tungkol sa kinababaliwan niyang babae na si Sharina na dati niyang maid ay sinuntok niya ako at ilang araw niya akong hindi pinansin. I felt guilty of course. Hindi ko naman inakala na magagalit siya sa akin dahil sa simpleng biro ko na nakita ko ang chikababe niya pagkatapos ng ilang taon mula nang umalis ang babae sa bahay niya. I mean, we're friends! We're brothers at heart. Kunwari pa kasi siya na wala na siyang pakialam kay Sharina, pero atat na atat naman siyang makita ulit ang dalaga. It showed in his actions! Luke was incredibly excited to see that woman again. Hindi rin niya maitatago ang mga pagbabago niya mula nang umalis sa bahay niya si Sharina. He was just in the period of denial but it's obvious that Sharina is very important to him. That he likes her so much for himself. But as to why he is stopping himself to find Sharina and own her for himself, that I have no idea.
But what's important to me now is we're okay again. Tsaka this time ay totoo naman ang sinabi kong nakita ko sa TV si Sharina. I saw her in a detergent advertisement! And by the way Luke talked to me a while ago, it seems that he also found out I was telling him the truth that's why he called me and asked me for a drink.
Naririto na ako sa labas ng bar ni Clinton. Kakatapos ko lang makausap si Luke at kakababa ko lang sa kotse ko nang bigla akong nakarinig ng sunud-sunod na sigaw ng isang babae.
Hinagilap ko kung saan nanggaling ang sigaw na iyon hanggang sa nakita ko ang isang nakabukas na van malapit sa bar ni Clinton. May mga lalaking nakaitim at nakatago ang mukha sa itim ding bonnet at may hawak silang babae na sapilitan nilang isinasakay sa van na iyon. Ang bilis ng mga pangyayari at nagtagumpay silang maisakay ang babae sa van at agad nilang tinakpan ang bibig kasama ang ilong nito ng isang malaking panyo.
With the obvious kidnapping that's happening right in front of me, I didn't hesitate and run as fast as I could so that I could save that woman from being kidnapped! Tatlo lang naman ang mga lalaking nakita ko and one of them was already back in the driver's seat. Hindi yata nila ako napansin kanina kaya nagawa kong mapatumba ang dalawang lalaki na papasok na rin sana sa van kung saan naroon ang babae na nahimatay na pala.
But unfortunately, marami pala silang kasama! The bad men ganged up on me. I tried to fight back, pero masyado silang marami at wala na akong nagawa para makalaban pa hanggang sa tuluyan na rin akong nawalan ng malay dahil sa pambubugbog nila. I was still lucky though, because they didn't punch my pretty face but my stomach instead.
Nagising na lang ako dahil sa malakas na yugyog sa balikat ko. At nang dumilat ako ay napaisip ako kung patay na ba ako at anghel ba ang magandang babaeng nakadungaw sa mukha ko?
"Hay! Mabuti naman at nagising ka na." anang magandang babae na parang anghel sa ganda.
So I am still alive and that beautiful woman is not an angel but a human like me. Tss.
Tumayo na siya at tumayo na rin ako mula sa pagkakaupo sa sahig at pagkakasandal sa pader.
Iginala ko ang paningin ko sa piligid at nalukot ng husto ang mukha ko dahil nasa isang marumi at lumang kuwarto kami na walang ibang laman kundi ilang mga luma at sira-sirang gamit at mga alikabok.
Now I remember what happened. I saw this woman being kidnapped and I tried to help her but as it ended, I was kidnapped with her.
"Where are we?" Tanong ko sa kanya... O baka sa kawalan dahil malamang ay hindi niya rin alam kung nasaan kaming dalawa.
"I don't know either." Aniya, pagkatapos ay tumingala siya sa akin at tumitig.
She's not a short woman, but because I am a tall and big man ay hanggang balikat ko lang siya. She's petite, but she has beautiful curves.. And those boobs... Ummm! She has big butt, too! She has the kind of body that I love to spank during s*x.
"Thank you for trying to save me earlier... Pero pasensiya ka na at nadamay ka pa. Pati tuloy ikaw ay kinidnap rin nila." aniya na nagpawala sa kalokohang naiisip ko.
Yeah, God damn it! We were kidnapped! Hell! Paano na kami makakaalis sa lugar na iyon? What do they need from us? I mean... What do they need from her? And what are they gonna do to me now?
Fuck! Bakit ba kasi nakialam pa ako? Nagsasaya na sana ako ngayon sa bar ni Clinton.
But as I stared at that beautiful woman again, naisip kong tama lang ang ginawa ko. Siguradong walang gagawing mabuti ang mga lalaking iyon sa babaing kasama ko ngayon. Sa ganda niya ay hindi malabong pagnasahan siya ng mga demonyong iyon! At least, habang naririto ako ay baka maprotektahan ko siya kahit papaano. Pero ang tanong ay makakaalis pa kaya kami roon?
"May ideya ka ba kung bakit ka nila kinidnap? May kaaway ka ba or perhaps, may kilala ka bang tao na may galit sa iyo?" tanong ko sa kanya.
"Wala! Wala akong kaaway at wala akong alam na may galit sa akin..." tila napapaisip namang sagot niya sa akin.
I just noticed that the more I look at her, the more she becomes more beautiful in my sight. f**k! Nasisiraan na yata ako ng bait dahil kahit nasa panganib na kami ay naiisip ko pa rin ang mga bagay na iyon. Or maybe it's just my nature coz I am a playboy after all, a certified fuckboy.
Bago pa man ako makapagsalita ulit ay biglang malakas na bumukas ang pinto at pumasok ang limang lalaking nakaitim at nakabonnet. Sila marahil ang ilan sa mga kumidnap sa amin.
"Mabuti at gising ka na, sleeping beauty. Kaya pala atat na atat sa'yo si boss, ang ganda mo pala talaga at ang kinis pa..." Nakangising sabi ng isa at akmang hahaplusin ang braso ng babaeng kasama ko pero kaagad namang naiiwas ng babae ang braso niya. Hinila ko rin siya at itinago sa likod ko.
"Don't you dare touch her!" I demanded furiously.
"Wow! May hero pala tayo dito!" sarkastiko namang wika ng isa habang nakatingin sa akin na tinawanan nila kaagad.
"Hero? Eh bakit nandito?" Nang-iinsulto namang saad ng isa at may pangmamaliit na tumingin sa akin.
Lalo pa silang humalakhak dahil sa sinabing iyon ng kasamahan nila.
Ako naman ay nagpipigil lang ng galit dahil may hawak na baril ang dalawa sa kanila. Kung wala sana silang dalang armas ay kaya kong makipagsapalaran at makipaglaban sa kanila ng suntukan, basta makatakas lang kami ng babae sa kanila. Pero dahil may baril sila, idagdag pang lima sila laban sa akin na iisa ay wala akong pag-asang manalo sa kanila. Kailangan ko ring protektahan ang babaeng talagang pakay nila. Kahit babaero ako ay inirerespeto ko pa rin naman ang mga babae. At may pakiramdam ako na dapat ko talagang protektahan at iiwas na mapahamak itong babaeng kasama ko.
"Ano ba kasi ang kailangan niyo sa akin? Bakit niyo ako kinidnap? Tsaka bakit isinama niyo pa siya?! Ako lang naman talaga ang dapat kukunin niyo, di ba? Alam kong kanina niyo pa ako sinusundan! Mga hayop kayo!" matapang na sigaw naman sa kanila ng babaeng nasa likod ko at sinadya pa niyang sumilip sa balikat ko.
Muli na namang nagtawanan ang mga lalaking iyon sa nakakainis nilang tawa at pagkatapos ay nakangising nagsalita ang nasa pinakaharap nila.
"Ipinakidnap ka ng boss namin dahil gusto ka niyang matikman."