CHAPTER 17 (2)

1702 Words

Mag-isang nakaupo sa isang upuan na gawa sa kahoy si Maro. Nasa labas siya ng bahay at nakatingin sa kawalan. Dumadaloy sa isipan niya ang mga nangyayari ngayon sa pagitan nila ni Neo. Hindi niya maitatanggi na sobrang saya niya sa mga sandaling nakakasama ito ngunit pumapasok na rin sa kanya ngayon ang konsensya. Kailan ba nagiging tama ang mali? Kapag ba sinisigaw na ng puso mo na tama lang ang lahat at pinapaligaya ka na nito? O kapag wala ka ng nagiging pakiealam sa kaibahan ng tama at mali dahil nagiging masama at makasarili ka na? Bumuntong-hininga si Maro. Gusto niyang maging maligaya at si Neo ang makakapagbigay nun sa kanya ngunit alam rin naman niya sa kanyang sarili na may nasasagasaan na siya at mismong kapatid pa niya na wala man lang kaalam-alam sa mga maling ginagawa niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD