"Tumigil ka dyan! Tara na! Baka linalantakan na ng mga pating yung Jessie mo!" Pilit kong itinayo ang mabigat na katawan ni Jayson. Kulang na lang ay manlupasay siya sa maputik at malansang kuweba. "f**k! Ambigat mo!" Nanggagalaiti kong bulyaw sa kanya dahil tila wala na siya sa katinuan dahil sa nabasa naming clue. I don't want to think that Ivory could really feed someone to some hungry sharks pero ayokong sumugal. Mahirap basahin ang takbo ng utak ni Ivory and I hate him for that. Nang sa wakas ay maitayo ko na si Jay ay agad kong iniakbax ang braso niya sa leeg ko. Kung wala lang kami sa ganitong sitwasyon, itutulak ko talaga siya kahit gumulong siya palabas ng kuweba. "Let's go!" Baling ko kay Miggy. Tulad ko ay iniakbay niya rin sa balikat niya ang braso ni Jurace para alalayan it

