Nakaupo si Hyde sa gilid ng kanyang malaking kama na nasa loob ng kanyang studio type na kwarto. Nasa kandungan niya at hawak-hawak ang gitarang binili niya sa shop ni Blue. Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin makatulog si Hyde. May pasok pa naman siya bukas at maaga ang una niyang klase. Malalim na bumuntong-hininga si Hyde. Hinaplos niya ang kanyang gitara na makintab at kulay light brown. Hanggang paghaplos lang ang nagagawa niya dito at hindi pa niya nasusubukang tugtugin ito. Pamaya-maya ay pagak na natawa si Hyde. Napailing-iling din siya ng mabagal. Itinigil niya ang paghaplos sa gitara niya at binitawan iyon saka inilapag sa ibabaw ng kanyang kama. “Bakit ba ako nagkakaganito ng dahil sa kanya?” Ang dahilan kung bakit hindi makatulog si Hyde ay dahil sa hindi maalis sa isi

