Chapter 20

2155 Words
Tuwid na nakaupo si Gwen sa opisina ni detective sergeant Benjamin Guinto at pinagmasdan lamang si Russ habang nakipagkamay ito sa detective. Nang sinabi ni Russ na ni refer sila ni Ranie Corpuz, lumiwanag naman ang mukha ng detective. Sa edad na singkwenta, napakabata ng detective tingnan kaysa kanyang edad. Makikita niya rin na family man ito dahil nakalagay sa desk nito ang family picture nila. Tiningnan na ng detective ang mga pictures ni Kenny na iprinesenta ni Russ. Matapos nitong tingnan ang mga pictures ay itinabi nito ang mga iyon at binalingan siya. "Sabihin mo sakin ang nangyari, ma'am. Simula sa una, nong una mo pang nakilala ang taong ito." Pano ba niya ito ikukwento? The story of her courtship sounded ludicrous. Sino naman kayang matinong babae ang magpopropose ng kasal sa lalaking nagustohan niya? Napabalik lang siya sa presensya mula sa malalim na pag-iisip ng hawakan ni Russ ang kamay niya. His steadfast warmed her, giving her courage. Napabuga muna siya ng malalim na hininga bago siya nagsimulang magkwento. Ikwenento niya sa detective kung pano sila nagkita ni Kenny nong Valentines day habang sinusulat nito ang salaysay niya. Bigla naman itong nag-interrupt. "Narinig ko na ang parents mo, ma'am. Isang magaling na abogado ang ama mo at hindi basta-basta na mga tao ang mga ipinagtatanggol nito, kadalasan mga high-profile, di ba?" "Yes sir. Importante pa ba yon?" "Sa kwento mo may malaking pagkakautang kay Mr. Andales ang dad mo kaya ikaw ang nagpresenta magbayad. At sabi mo mababayaran mo lang siya kung legal na kayong mag-asawa kaya ka nag proposed sa kanya ng marriage, tama ba ako?" Marahang napatango siya sa detective. "Okay, go on." anang detective. Mahigit isang oras yata ang naging salaysay ni Gwen sa detective. Pati talambuhay niya ay nasisiwalat din. Pero nang tanongin siya sa detective tungkol sa pagkawala ni Kenny sa gabi ng kanilang honeymoon, her composure slipped. Inabotan naman siya ng detective ng tissue at isang basong tubig. Hindi niya tinanggap ang tissue, pero ininom niya ang isang basong tubig at tinapos niya ang kanyang kwento. Pakiramdam ni Gwen na nanghina siya matapos niyang magkwento. Ang sumunod namang magkwento ay si Russ. He included the information about being stripped naked and placed in the bed with her. Naiilang naman siyang tingnan ang reaksyon ng detective habang ikwenento ni Russ ang parte nito. "Weird naman." sabi ng detective. "Tipikal lang naman ang kwentong yan, bukod nalang don sa sinabi mo, Mr. Del Valle." "What do you mean?" tanong ni Russ sa detective. "Halata kasi na isa siyang pro. Isang praktisadong magnanakaw. He set this up right and down to the last detail. Pero ang isangkot ka niya, Mr. Del Valle.." sabi ng detective na napapailing. "Ang hindi ko maintindihan." Namilog lang ang mga mata ni Gwen. "You see ma'am, hindi ipinahalata ng mga taong ito na masama sila. They don't physically hurt people. Hindi sila gumagamit ng baril, patalim, o kahit dahas man. It's all mouth-work. Kaya nga napaniwala kayo ni Kenny na isa siyang magaling na businessman. In your case ma'am, it was hearts and flowers. Pinaibig ka niya upang madali lang sa kanya ang manipulahin ka, lalo na't sa salaysay mo na tagapagmana ka." Oo, pansin ni Gwen na magaling nga ang detective na ito, no doubt about it, at sa tingin nga niya marami ng kagaya ni Kenny ang pinaimbestigahan nito. But still, if he meant to reassure her, he failed. It's humiliating enough to have believed Kenny's lies, but knowing she was but one of many victims was disheartening. "Kailangan ko munang masuri ang lugar kung saan siya nawala, ma'am. I need to do some checking around, run some data requests." "Kahit pa kasado kami, pero wala pa rin siyang karapatan sa pagmamay-ari ko." biglang sambit ni Gwen. "The police refused to take a burglary report. Ang insurance company ko naman ayaw rin nilang magbayad sa mga nanakaw kong items. I can't lose everything because of a loophole. Magagawa mo pa kayang makukuha ko muli ang mga bagay na ninakaw niya? huh detective, magagawa mo ba yon?" The detective's face tightened in an apologetic smile. "Kung mapatuyan man na si Janus Ventura nga ang asawa mo ma'am, then the chances of catching him are slim. Baka nakalabas na nga ito sa bansa, at baka nailipat na rin niya ang account mo sa ibang pangalan." Binuksan ng detective ang kanyang drawer at kumuha ito ng isang calling card para ibigay sa kanya. "Talk to victim services, ma'am. Mas maipaliwanag nila sayo kung ano ang mga options mo." Walang tingin-tingin na tinanggap iyon ni Gwen at ipinasok sa kanyang bulsa. Victim? Anger boiled through her veins, fresher and hotter than before. "Ako ba ay legal ba talaga niyang asawa?" "Kung mapatunayan sa korte ma'am na illegal ang pagpapakasal ninyo, then you can get the marriage annulled. Kausapin mo muna ang attorney mo ma'am. He can tell you more than I can." Tumayo na si Gwen sa kanyang kinaupoan at nakipagkamay sa detective. "Salamat sa oras mo, detective." "Gagawin ko ang aking makakaya, ma'am. Welcome po kayong tumawag dito para sa karagdagang impormasyon na aking makukuha, o ako nalang ang tatawag sayo pag meron na akong panibagong updates tungkol sa asawa niyo." Lumabas na sina Gwen at Russ sa opisina ng detective. Parang pabagsak naman ang ulan nang makalabas sila sa police station. "Parang babagsak ang malakas na ulan ah. Halikana magmadali na tayo." ani Russ at hinawakan ang siko ni Gwen habang naglalakad sila patungo sa kanyang kotse. Nang makapasok na sila sa loob ng Lexus ni Russ, tinitigan naman ni Gwen ang binata. May napansin kasi siya sa lalaki, he'd seemed all right while they spoke to the detective. Pero ngayon, wala na itong kangiti-ngiti, he appeared preoccupied. "Napabayaan mo na ang business mo dahil sakin." sabi ni Gwen. "Alam kong may maraming bagay ka pang asikasuhin." "I'm still officially on vacation." ani Russ at inadjust ang rearview mirror. "Russ, did I say something to upset you?" "Wala naman." nakangiting wika nito at pinaandar na ang kanyang kotse. Pero hindi naniniwala si Gwen sa sagot niya. "Did the detective say something I missed?" "Wala naman siguro. Ikaw, ano na ngayon ang nararamdaman mo kay Ken?" "G-galit ako sa kanya." "Sapat ba ang pagkagalit mo sa kanya upang mag file ka ng annulment?" Nag-iwas sa kanya ng tingin si Gwen at bigla itong nanahimik. Nag concentrate na lamang si Russ sa pagmamaneho patungo sa bahay ng babae. With each passing second she turned his comment, and his tone of voice, over in her mind. She kept returning to the same conclussion: Russ was jealous. Ang kaalamang iyon ay nagpadagdag lamang sa kanyang pagkailang sa lalaki. Gusto kasi nito na makipaghiwalay na siya kay Kenny upang tuloyan na siyang maging malaya. Pero hindi rin naman pwedeng maging sila pagkatapos niya ng isang relasyon. She doubted if she could live with the guilt of not doing everything humanly possible and exploring every option to save her marriage. She took her vows seriously, even if Kenny did not. Nang makarating na sila sa harap ng bahay ni Gwen, namataan naman ng babae ang naka parked na sasakyan ng security personnel sa kanilang village. Nang makita rin ito ni Russ, nagkatitigan sila sa isa't isa. "Looks like trouble." ani Russ at tinabihan sa pag parked ang white sedan na may red logo ng security personnel. Pagkababa ni Gwen sa Lexus ni Russ, agad naman siyang sinalubong sa isa sa security personnel na may dalang walkie-talkie. Itinaas naman ni Gwen ang kanyang kamay at nagpakilala siya. "I'm Gwen Lacsamana-Andales. May-ari nitong bahay. May problema po ba?" "Ted Samson, ma'am." pakilala rin ng security at nagpresenta ito sa kanya ng ID. "Nag activate po ang alarm niyo, ma'am. Tas wala hong sumasagot pagtawag namin sa bahay niyo. Tumawag na rin po ako ng police." Napabuntong-hininga siya. "Wala ng mananakaw sa bahay ko." Nakita niyang napaismid si Russ. Itinuro naman ng security ang nabasag niyang bintana sa likurang bahagi ng kanyang bahay. "Tingnan niyo po ang nabasag niyong bintana. Para hong forced entry. Baka nasa loob pa ang magnanakaw." Nakakatawa naman ang mga security na ito, ngayon pa sila rumesponde na nanakaw na lahat ng kagamitan niya, sa isip ni Gwen. Dumating na rin ang tinawagang pulis ng security, at ito pa rin yong mga pulis na rumesponde nong inireport niya na ninakawan siya. Wala rin namang magagawa ang mga ito. "Sa palagay mo ba si Kenny ang gumawa nito?" bulong niya kay Russ. "Kung si Kenny pa, pinatay siguro niya ang alarm. Alam kasi niya kung pano e deactivate ang alarm." Hiningi ng pulis ang susi ni Gwen sa bahay, at sinabihan sila na manatili muna sila sa loob ng kotse. Hindi na lamang pumalag si Gwen at sumunod na lamang sila sa sinabi ng pulis. Nang binigyan na sila ng pulis ng signal na maari na silang pumasok sa bahay, she half expected to find her furniture returned. Pero wala pa rin. "Basag ang bintana mo ma'am, at sinira pa yong lock. Sa palagay ko may nakapasok nga dito sa bahay mo. E check niyo po kung meron pa po kayong ibang bagay na nawala." She turned the policeman an incredulous gaze. Hindi ba nito naisip na wala na nga siyang kagamitan sa loob? Ano pa ba ang nanakawin dito? Tinapos lang ng pulis at security personnel ang kanilang report bago ang mga ito tuloyang umalis. Umupo si Gwen sa kitchen stool at parang gusto na naman niyang maiyak. Tinapik ni Russ ang kanyang balikat at nabigla siya, kaya naman muntik na siyang mahulog sa kinaupoang stool. "Sorry." anito at mahahalata sa boses ni Russ ang pag-alala. "No, ako dapat ang mag sorry. I just realized how very frightened I am." ani Gwen at iginawi niya ang paningin sa basag na bintana. "Hindi kaya ako talaga ang hinahanap sa taong pumasok dito." "I'll fix you some tea." pag-iiba ni Russ sa usapan. "You're the expert on human behavior, Russ." aniya pa. "Bakit kaya may pwersahang pumasok dito sa loob ng bahay ko kahit maliwanag pa?" "Good question." He placed a mug of water inside the microwave. "Something has been bugging me. Gaya nalang sa sinabi ni detective Guinto. "What's that?" "I'm convinced Kenny drugged you. Kumbinsido rin ako na siya yong nakita ni Stephen sa parking lot na buhat-buhat yong maleta. That make sense. He tucks you in bed and makes a clean getaway." "So hindi nga siya kinidnap?" Napapailing si Russ. "Dalawang kotse ang nawala, remember? Sa tingin ko siya rin ang kumuha sa bagong bili mo na kotse. Pero lang may kasabwat siya." He frowned at the broken window. "Or maybe Ken was working with someone." "Kung totoo man yan, why would he break into my house?" Naalala tuloy ni Gwen ang lasing na babaeng tumawag sa kanya sa hotel. "Or she?" Napakibit-balikat lang si Russ. "Maybe the woman thinks you two are working together." "Bakit mo naman naisip yan, Russ?" "Dahil pinakasalan mo si Kenny." Pinagkrus ni Gwen ang kanyang mga braso. At may tumawag sa cellphone ni Russ. Sinagot naman ito ng lalaki. "Hello." Napataas ang kilay nito. "I see." Habang may kinakausap pa si Russ sa cellphone, ibinaling naman ni Gwen ang kanyang paningin sa mga naka pile na bill sa mesa. She sorted through it until she found the cellular-phone bill. Every single telephone call had been logged and charged, both incoming and outgoing. Kadalasan naman sa outgoing calls ay landline ang tinatawagan at long distance pa ito. Bago pa sila ikasal ni Kenny, sinabi na niya sa lalaki na gusto niya makita ang opisina nito pero palagi itong may dahilan upang hindi siya makapunta. Ayaw rin nitong siya ang tumawag sa opisina ng lalaki, kahit pa sasagotin naman nito ang kanyang tawag. Tiningnan niya ulit ang cellular bill, seeking for any familiar numbers. Pero sa trabaho niya bilang administrator sa isang charitable institution, iba-ibang numbers ang tinatawagan niya araw-araw. At hindi na niya ma recognize kung sino ang nagmamay-ari sa mga numero na yon. "Ano na?" tanong ni Russ matapos ibaba ang telepno. "Nakita mo ba itong bill? Kenny may have erred in leaving it for me to find. Magagamit rin natin ito sa pagtuklas sa pagkatao niya. He spent a lot of time on the phone discussing business. Pero wala sa mga number dito ang numero ko tuwing tatawag ako sa kanya. Siguro diverted ang phone call niya..Gusto kong puntahan ang opisina niya. My attorney assured me it's a viable company. Siguro naman nag o-operate pa rin iyon." "Kung gusto mong mahanap si Kenny doon, sa isang milyon, isa lang ang tsansa mo." "Eh di hahanapin ko doon ang pinagkatiwalaan niya na empleyado, siguro naman may clue siya kung saan nagpupunta si Kenny." Napapailing lang si Russ. "Kung lang naman.." "If I have to look in a million places, then that is exactly what I will do. Mahanap ko lang si Kenny." *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD