Hindi na naniniwala sa kanila ang mga pulis. Siguro dahil paulit-ulit nalang ang sinampang reklamo nila pero wala naman silang pruweba. Hindi rin kasi nakita ng mga security personnel si Alena o kahit ang sasakyang ginamit nito. Nang sinabi ni Russ na tatawag nalang siya kay detective Guinto, ito naman ang sinabi ng pulis. "Sure, mabuti nga kung siya ang tawagan ninyo." anito na parang naiirita na. Pero bago pa umalis ang mga ito, nagbilin muna sila kay Russ ng numerong maari raw nilang tatawagan sa susunod. Napakunot naman ang noo ni Gwen ng basahin niya ang nakasulat na pangalan sa numero. Isa pala itong domestic-abuse hotline. "He thinks we're nuts, Russ. Pero hindi ko naman siya masisi. Sa tuwing magrereklamo kasi ako, nandito ka. Akala siguro ng pulis na yon na love triangle lang an

