Pabagsak na isinara ni Russ ang pintuan ng kanyang condo. Binuksan niya ang ilaw at pinagmasdan ang kanyang sala. Ilang araw na kasing hindi siya nakauwi sa kanyang condo unit.
Oo galit nga siya, hindi kay Gwen kundi sa sarili niya. Naiinis siya dahil pilit niyang pinagsiksikan ang sarili sa isang babae. When he liked women, they liked him too. My nobyo man ang mga ito o wala. But Gwen is a different story, may asawa na ito. Why is it he had fallen so hard for a married woman?
Pero marriage of convenience lang naman ang kasalan nila ah, pangongonsola niya sa sarili. Ang hirap lang dahil hindi pala siya pinaniniwalaan ni Gwen.
Grumbling, he checked his phone messages. May mga iilang kaibigan niya ang nag text kung kumusta ang bakasyon niya, and the rest ay messages na galing sa kanyang mommy. Nangungumusta kung nakauwi na ba si Kenny kay Gwen. Dismayado naman siya dahil hindi man lang nangungusta ang mommy niya sa kanya. Inisip kasi ng mga ito na may affair sila ni Gwen kaya akala nila na siya ang dahilan sa pag alis ni Kenny. All his life he'd never chased a married woman, kaya nga dapat hindi niya simulan ngayon.
Pero may option naman siya. Kailangang mapawalang bisa ang kasal nina Kenny at Gwen. Unang hakbang, hanapin si Kenny Andales. Pag mahanap na niya ito, gagawin talaga niya ang lahat upang mapalaya si Gwen, he thought with a grim smile.
-----
Kinaumagahan, nakahanap rin si Russ ng magandang solusyon. Naisipan niyang kausapin ang kaibigang Private Investigator at ipahanap si Kenny. At ngayon nga ay kausap na niya ito. Dating kilala na niya ang PI na ito. Ka sparing kasi niya ito sa tennis, and Russ considered him a good friend.
Umiinom ngayon ang dalawa ng kape at bigla namang napapahikab ang PI. "Pasensya na." anito. "Wala pa kasi akong tulog, may lagnat kasi ang asawa ko kaya ako ang nagpuyat magdamag sa dalawang buwan namin na sanggol."
Uncertain what to say to a man with family, kaya napapatango na lamang siya.
"So anong atin, Russ. Ba't napapatawag ka ng maaga?"
Russ told the story of Kenny Andales briefly, sticking to the facts. Isinulat naman ng PI ang mahalagang detalye sa kwento ni Russ at maigi itong nakikinig sa kanya. Matapos ikwento ni Russ ang detalye sa pagkawala ni Kenny, napataas naman ang kilay ng kaibigang PI. "A con artist."
"Pano ko ba siya mahahanap?"
"Kung hindi talaga natin siya mahahanap, duda ako na hindi Kenny Andales ang totoong pangalan niya."
Dismayado naman si Russ sa naging sagot ng PI. "Gwen's attorney already checked him out."
"Ang hinala ko, Kenny Andales exists, pero baka ibang tao na siya. Hayaan mo, tutuklasin ko kung hindi ba talaga impersonator iyang si Kenny Andales." The PI scanned his notes. "Magkwento ka pa nga tungkol don sa sinasabi mong babaeng tumawag sa kaibigan mo. Are you sure she wanted a check?"
"Yan ang sinabi sakin ni Gwen. Parang lasing daw kasi ang babaeng tumawag sa kanya at nagbanta." Pondering the implications, hinawakan naman niya ang kanyang baba. "Sa palagay mo ba, may gagawin kayang masama kay Gwen ang babaeng iyon?"
"Maari." sagot ng PI.
Bigla naman siyang nangamba sa pag-iwan niyang mag-isa kay Gwen sa malaking bahay. "Ranie, gusto talaga kitang e hire. I want you to find this con artist and put him in jail."
"Hindi ko maipapangako yan, Russ." ika pa ng PI. "Gusto ko munang makausap si Gwen. But one of the first things she needs to do is file a complaint with the cops. Upang may laban siya kung sisingilin na siya sa mga credit card company na kanyang pinagkautangan. Don't worry, ako na ang bahala sa imbestigasyon sa kaso niya."
*****