MIRA Lumipas pa ang dalawang linggo. I thought Kyle was going home. Pero hindi nangyari. Natapos ang shoot at nakabalik na rin last week pa si Roxane sa Pilipinas. Ngunit walang Kyle na kasama. Nakakausap ko naman siya pero minsanan na lang. Madalas kasing out of coverage ang contact number niya. O kaya naman ay walang signal. Gusto ko siyang puntahan pero ayaw pumayag ng parents ko kung wala akong makakasama. Wala pa rin si Kuya Adam kaya busy si Daddy sa company. Ganoon din si Mommy na nagbukas ng new business. Ka sosyo ang mga kaibigan niya. At isa pa kailangan kong tapusin na ang taon na ito lalo pa at Graduating Student ako. Tinanong ko si Daddy Kean at Mommy Catherine. Sabi nila may big investor daw siyang inaasikaso. Tinatawagan naman niya ako at ang sabi next week. Hanggang ang

