Alice “Inuman na!” napapalakpak ang Alexa nang lumapit ang mga boys sa amin dala ang mga alak. May maliit na bonfire silang ginawa kanina at nakapalibot kaming lahat dito. Tumabi naman sa’kin si Alex at inabutan ako ng alak. Ngumiti ako sa kanya bago ito tinanggap. We talked some ramdom topics habang hinihintay na tamaan kami ng alcohol, medyo mataas naman ang alcohol tolerance ko kaya hindi ako malalasing agad. Sa kalagitnaan ng pagtatawanan namin ay biglang tumayo si Alex kaya napasunod ako ng tingin sa kanya. Naglakad siya paalis at may dala ng gitara pagbalik. I smirked. “Marunong ka pala?” He smiled at me and strum the guitar. Naghiyawan naman ang mga kasama namin na parang ngayon lang nakakita ng gitara. “Alam mo bang ideal type ni Alice sa lalaki ang maru

