Alexa “Hindi naman siguro ako sasabuyan ng tubig ng Mama mo ‘di ba? Mayaman din naman kami kaya hindi ko kailangan tanggapin ang pera na iaabot niya kung sakaling ayaw niya sa’kin.” Kinakabahan kong sabi habang nasa sasakyan kami. Malapit na daw kasi kami sa bahay nila kaya bumalik na naman ‘yung kaba sa dibdib ko. Natawa naman siya. “Relax, hindi naman nangangain ang pamilya ko.” hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa regalo na binili namin kanina sa mall at hinaplos iyon para mabawasan ang kaba ko. “Just be yourself.” Hindi ko alam kung bakit pero umepekto ang ginawa niya. Hindi na ako kinakabahan pero may iba akong naramdaman sa loob ko na hindi ko maipaliwanag. Nang huminto ang kotse sa tapat ng isang malaking gate ay mas lalong dumoble ang kaba ko. Pagka-park niy

