Veronica Nagising ako dahil naramdaman kong parang may humahagod sa buhok ko. Pagmulat ng mga mata ko ay mukha ni Ryan ang agad na bumungad sa paningin ko. “Good morning.” He smiled and bend to kiss my forehead. Hindi ko alam kung bakit biglang si Lucas ang naalala ko nung lumapat ang labi niya sa forehead ko. “Ang aga namang harutan niyan.” Bigla akong napalingon sa likod niya at nakita ‘yung tatlong babae na prenteng nakaupo sa sofa. Bumalik ang tingin ko kay Ryan. “Dito ka ba natulog?” nagtataka kong tanong. “Nope. Dumating sila kagabi kasama ang magulang mo, kaya lang tulog ka na nung abutan nila.” “You met my parents?” gulat kong tanong and he just nodded. “Anong sinabi mo?” “Boyfriend mo ‘ko.” “What?!” “Charot lang.” He smirked and I just roll

