FORTY SIX

1700 Words

"Katie, we'll eat dinner later. Don't forget." Tiningnan ni Brayden ang kapatid sa repleksyon nito sa salamin. Kasalukuyan itong nagdudutdot sa cellphone nito at hinihintay lamang siyang matapos sa ginagawa. Palagi kasi silang sabay. Lagi niya itong inihahatid sa unibersidad nito dahil parehas lamang sila ng direksyon. "Katie, did you hear me?" Tanong niya at tinapos na ang pag-aayos sa neck tie niya. "Yes, Kuya. Don't worry I will not forget, but..." saglit na natigil sa pagsasalita ang kaniyang kapatid. "But...?" Bahagyang umangat ang isa niyang kilay. "Can I invite my friends? Kahit iyong close friends lang? I want us to celebrate with them. Pretty please?" Halos bigyan siya ng puppy eyes ng kaniyang kapatid. Napailing-iling na lamang siya roon ngunit ang kaniyang labi ay may ngiti.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD