"Pabili nga po." "Ano iyon---" Natigilan si Aymee nang mapagsino ang bumili. Ngunit pinilit niya ang sarili na maitago ang pagkabigla. Paano ay iyon lamang naman ang lalaking nagngangalang Brayden na tinawanan siya kanina. Bakit nandito ang lalaking ito? Huwag mong sabihing nakatira ito malapit sa bahay ng Tiya Baby niya? "Anong... anong bibilhin mo?" Kaswal na tanong niya, kunwari ay hindi ito nakikilala. Napanggap siyang hindi niya ito nakita kanina. Ngayong natitigan niya sa malapitan ang binata, napagtanto niya na tama nga ang sinabi ni Allie. Guwapo nga ito. Hindi maikakaila ang pagkakaroon nito ng lahing banyaga, at kita rin iyon sa hindi nito tipikal na kulay ng mga mata. Kulay gray iyon na may maliit na bahid ng pagkaasul. Ngunit iyong mabait? Iyong gentleman? At Anghel? Hindi

