Matulin na lumipas ang ilang linggo. Hindi makapaniwala si Aymee na talagang dumating na ang araw na kailangan niyang umalis. Nangingilid ang luha sa kaniyang mga mata nang yakapin niya ang kaniyang mga magulang. Ang kaniyang ina ay tigmak na ang luha sa mga mata. Paniguradong mami-miss niya ang mga ito. Tatlong taon rin niyang hindi mayayakap ang kaniyang pamilya. Maging ang kaniyang ama, nangingilid ang mga luha. Buong pamilya niya ay sumama pa sa pagluwas sa kaniya para lamang maihatid siya sa airport. "Lagi kang tatawag, anak, ha? O kaya sumulat ka. Basta, mag-update ka sa amin palagi," umiiyak na sabi ng kaniyang ina. Hindi pa siya nakaaalis pero bakas na kaagad sa mukha nito ang pag-aalala. "Opo, Nay. Huwag po kayo mag-alala. Kapag may libre ho akong oras doon, magme-message kaag

