Gabi. Araw ng Linggo. "Tiya! Nakabalik na ho ako!" Masaya niyang anunsiyo habang papasok sa bahay ng kaniyang tiyahin, bitbit ang lahat ng kaniyang gamit. "Ay, Lovely, Timmy! Nandiyan na ang Ate Aymee ninyo!" Masaya siyang sinalubong ng kaniyang tiyahin at mga pinsan. "Kamusta ang maiksi mong bakasyon sa inyo? Ayos ba?" "Opo, Tiya. Ayos na ayos, kahit saglit lang. Tuwang-tuwa sina Nanay noong pag-uwi ko roon nang Biyernes. Nasurpresa. Hindi man lang daw kasi ako nagsabi na uuwi ako. Kaya nga noong hinatid nila ako sa sasakyan kasama si Tatay, hayun, umiiyak. Sayang daw at ang bilis lamang ng bakasyon ko roon," mahaba niyang sabi habang hinuhubad ang kaniyang jacket. "Hayaan mo," may ngiting sabi ng Tiya Baby niya. "Pag-graduate mo naman ay magkakaoras ka na para makapagbakasyon doon n

