Yuka's Point of View Habang patuloy sa pagbagsak ang mga luha ko, naglakad siya papalapit sa'kin. Hindi ko alam pero ang bilis ng t***k ng puso ko. Kinakabahan ba ako o katulad pa din ng dati ang epekto niya sa'kin? Mabilis kong pinahid ang mga luha ko sa pisngi at tumayo. "Miss Mandy, may I excuse for a while?" Tanong ko sa professor ko habang diretso ang tingin sa kanya. "Just make it quickly." Sagot nya kaya dali dali ako naglakad palabas ng classroom. Hangga't maaari pinilit kong 'wag siyang tignan pero ang mga taksil kong mata ay parang may hinahatak para tumingin sa kanya. Yumuko na lang ako para makaiwas. Dumiretso ako sa washroom. Pagdating ko sa loob, hinilamusan ko ng malamig na tubig ang mukha ko. Nakaramdam naman ako ng konting ginhawa dahil doon. Pagkatapos kong mag punas

