CHAPTER 14 Yuka's Point of View "OH.MY.GOD!" Mga katagang tanging lumabas sa bibig ni Mr. Far. Dali dali akong tumayo at umupo ng maayos sa sofa. Tinignan ako ng mga nanlilisik nyang mata. Jusko po! Katapusan ko na po ba?? Anong gagawin ko?? Yung puso ko sobrang bilis na ng t***k sa kaba. Maiihi pa yata ako. Shems! Kadiri! Isa-isang nagsilabasan ang BG. "Anong nangyayari dito?" puno ng pag-aalalang tanong ni Kuya John. Pero nang makita nya si Mr, Far ay parang nakahinga pa sya ng maluwag at ganun din ang iba. Hindi ba nakakaramdam ng takot itong mga kasama ko?? Nang magkatinginan kaming lahat, sinenyasan kami ni Mr. Far na sumunod sa kanya sa may living area ng office. Agad naman akong sumunod kaya sumunod na din ang BG. Super relax ng mga facial expressions nila. Pero si Daryl mukhan

