Klaire's POV
"In the name of the father, the son, and the holy spirit, Amen" sabay sabay naming pagtapos ng dasal.
"Dig in!" sigaw ni Ate Caren samin. Nasa hapag kainan kasi kami. Agad agad naman kaming nagsipagkuhaan ng ulam. Ang takaw namin. Si ate at si mama kasi ang nagluto.
Nasa crib ang baby ni ate, si Azce, 2 months old na. Tama lang namang nag asawa na si ate dahil 24 years old na sya, 28 naman si Kuya Marvin. Graduate na si ate ng Culinary kaya alam mo na? Masarap talagang magluto yan. Naging chef na yan sa isang 5 star hotel. Bago naging asawa ng mismong may ari ng hotel na yun na si Kuya Marvin. 5 star Hotel Owner yang si kuya at maraming branch whole wide world. Nadagit sya ng charms ni ate. Tapos ngayon may baby na sila. Si Azce, ang gwapo kaya nyan.
"So kailan mo balak pabinyagan yang apo ko?" Tanong ni papa kay ate.
"As soon as mag 5 months na sya, Magiging ninong nya lahat kayo hahaha. Tito/Tita-Ninong/Ninang. Bongga diba?" sabi ni ate sabay tingin sa natutulog na baby nyang nasa kuna.
"Oo tama yun, pati mga kapatid ko atsaka si Dwayne!" sambit ni Kuya Marvin
Bigla akong nasamid ng marinig ko ang pangalan nya. Nataranta naman si Bea kaya pinainom agad ako ng tubig at hinimas ang likod ko.
"Okay ka lang ba ate? Bakit ka nasamid?" Tanong ni bea habang bumalik sa pagkain.
Napatahimik ako, siguro tamang sabihin ko naman sa kanila yung totoo.
"Ako din! Ako din ah ninang ako" magsasalita na sana ako nung biglang umepal ang yaya naming si Ellyza. Makulit yan at kengkoy. Asawa nyan yung driver naming si Sengki. Haha. Nakakatuwa nga dahil marunong silang makuntento sa isa't isa.
"Oo naman, Avatar! Ikaw pa ba?" sabi ni ate, kaya avatar kasi kahawig nya talaga yung Alien na blue na mula sa pandora.
"Yes naman! Salamat ate!"
"Ate, oo nga pala bakit di nagpupunta si Kuya Dwayne dito? Is there something wrong between the two of you?" Tanong ni Dieth. sabay subo ng pork steak.
I remained silent. Di ko yata kayang sabihin. Magpapaka impokrita ba ko para sabihing ayos na, na hindi na masakit.
"Hija what's wrong? Did the two of you fight again?" tanong ni mama.
"Oo yan mama! Di kasi nakababad si ate sa cellphone nya. Mas gusto nya pang matulog na lang" sabi ni Carl, ano ba yan ang daldal talaga.
"Come on Klaire, speak up. We can help you, pamilya tayo dito" sabi ni papa sakin sabay ngumiti sya. Dad is a very strict person. Ang gusto nya ang dapat nasusunod, ganun din ang papa ni Dwayne kaya ewan ko ba kung bakit sila nagkakasundo. business partners pa man din sila. Kaya sa pag ngiti nyang yun e gumaan ang loob ko.
"Wala na po kasi kami ni Dwayne" Ako.
"Weh? Yan lagi mong sinasabi pag nagkakatampuhan kayo" Ellyza
"Ava, shut up" saway ni ate before she signalled me to go on.
"Magtatatlong linggo na po" dagdag ko.
"What?! Really? 5years na kayo. I remember na di pa kayo natutulog until di kayo nagkaka ayos" Kuya Marvin said.
Naiyak ako sa sinabi nya. Totoo yun, kaya nga nung nakipagbreak sya nung gabing yun, hinihintay kong tumawag, magtext at mag chat sa sakin na binabawi nya ang lahat. Pero wala. Ayaw nya na talaga sakin.
Nataranta naman si mama at agad akong inabutan ng panyo.
"Wag ka ng umiyak anak, everything's gonna be allright. Kami ng bahala ng papa mo, right hon?" sabi ni mama. Sabay baling kay papa na agad namang tumango.
"Ano ka ba ate? Ang ganda ganda mo para umiyak" Carl
"Yeah, prinsesa ka ng pamilya tapos iyakin ka" Ate Caren
"Kayang kaya mo yan, Tingnan mo bukas mag ii smile ka na ulit" Dieth
"Or baka maging maayos din kayo ni Kuya Dwayne baka test lang yan sa relationship nyo" Bea
"Dito lang kami para sayo, kaya smile ka na dyan at kumain ng madami. Masarap niluto nila ate" Ellyza.
"Thank you sa inyo ah. But mama, papa, and to all of you. I have my own plans na and I just need you to support it" Sabi ko.
"Alright hija, go on" Papa
"I'm going to states dad, I don't know if it's Canada, Los Angeles, New York or Las Vegas. Doon na ko magde decide. I badly want to move on from him. At di ko makakaya yun if nandyan sya sa paligid. Sa inyong lahat, sana wag kayong magalit kay Dwayne. Parehas naming ginustong maghiwalay kami, gusto ko sanang wala ng makakaalam kung saan ako magpupunta. Mawawalan ako ng communication with you for maybe a long period of time. But I'll still catch up with you guys. Wag kayong mag alala. May kasama ako, si Niall. Mapapagkatiwalaan sya. Just please let me do this on my own" mahaba kong paliwanag.
Sandali kaming nanahimik lahat. Lahat siguro sila ina absorb yung sinabi ko, maybe nalungkot din sila ng malamang aalis na ko. Ito kasi ang unang beses na lalayo ako ng matagal sa bahay.
"But we will support you with all your financial need and expenses. No more buts Klaire, magulang at pamilya mo kami. We will support you" sabi ni pala.
"Tama, at para mas mapanatag ang loob ko. May hotel ang kuya mo sa lahat ng sinabi mong lugar, doon ka na manirahan kesa mag rent ka ng apartment" sabi ni ate.
"Mas mabuti nga kung ganun ang gagawin mo, tsaka mas okay yun. Maaalagaan ka ng staffs ko dun" dagdag pa ni Kuya Marvin
"Hmm. Sige po" sumang ayon na lang ako.
Ashley's POV.
Ang tahimik nya this past few days ever since himatayin si Klaire. He is really in deep thought. Di ko mawari kung nakokonsensya ba sya. Bukas na ang festival, bukas din pala dapat ang 5th anniversary nila.
Don't get me wrong. Alam kong kontrabida ang tingin nilang lahat saken, mang aagaw, b*tch, sl*t, malandi. at kung anu ano pa. Pero sa totoo lang, nagmamahal lang din naman ako. 1st year highschool pa lang ako nung makilala ko sya. I know di nya na naaalala yun.
*Flashback*
"Okay guys listen! May inimbitahan ang principal natin para magturo sa inyo, Itong grupo na ito is getting quite famous na. Have you heard of the band of The Magnificent?" tanong samin nung trainer namin. May school band din naman kasi kami.
Agad agad na nagtilian yung ibang mga kasama ko, dahil pogi daw ang lead singer nun at napakagaling ng bawat miyembro.
"Tama, sila nga iyon, mula sila sa Walshein High School. Please welcome, The Magnificent" pagsabi nun ni Ma'am ay pumasok na ang mga ito. Huling huling pumasok ang lalaking unang nagpatibok ng puso ko. He's emotionless, may messy hair sya at di man lang ngumingiti pero napakagwapo nya talaga .
"So guys, magpaturo na kayo. Enjoy the moment" sabi ni Ma'am sabay labas.
Nakita kong busy agad sya, Ang daming lumalapit sa kanya. Ang cute kasi talaga nya kahit pa mukha syang masungit.
Naglaro na lang ako ng gitara ko, Alam ko naman kasing I'll never get to know him.
"Miss, mapuputol na yung string ng guitar mo" sabi ng isang malalim pero masarap sa tengang boses. Nagulat ako nung inangat nya ang kamay ko at kasabay nun ang pagpigtas ng string sa guitar ko. Di nga ako nasaktan kaya napatingin ako sa kanya.
"I'm Dwayne, lead singer nila. Next time mag ingat ka miss, Di ako laging nasa paligid para iligtas ka" sabi nya at binitawan na ang kamay ko at naglakad ng nakapamulsa.
Sa paghawak nya palang ng kamay ko ay kakaibang kuryente na ang dumaloy sakin. Gusto ko, gustong gusto kong mapalapit sa kanya.
Kaya pinaghandaan ko ang lahat. Makalipas ang 3 taon ay kapansin pansin na ang kagandahan ko. Nasabi ko ng okay na sigurong magkita kami.
Dumayo pa ko ng school nila, ang Walshein. Nakita kong nagpe perform sya at ang banda nya,
Kinakanta nila ang "Kasama kang tumanda" Napakaganda talaga ng boses nya. Kinikilig ako pakiramdam ko kasi ako ang kinakantahan nya nang sa bandang parteng chorus na ay bumaba sya stage.
"At nangangako sayo, Pag sinagot mong Oo" Papalapit sya ng papalapit sakin. Nagtitilian na ang lahat ng katabi ko, ako ba? Ako ba talaga ang lalapitan nya? Mamamatay na ko sa kilig.
"Iaalay sayo buong puso ko, Ang gusto ko lamang, Kasama kang tumanda"
Nasa harapan ko na sya, ano ba to? Matagal na din ba nya kong gusto? Nginitian ko sya ng buong tamis.
Pero laking gulat ko ng bigla syang lumuhod sya sa harapan ng katabi kong babae, kulot sya pero hindi sobra parang wavy lang ang buhok nya, maputi sya at simple lang. Masasabi mong maganda. Pero bakit nakaluhod si Dwayne sa harapan nya, Makikita mo ding nangingiyak na sya.
"Klaire Louise Lim, would you be my girlfriend?" parang bombang sumabog sakin yung tinanong nya sa babae,
"Of course yes!" sagot nung babae sabay yakap dito. Lahat ng estudyante pati mga guro tuwang tuwang tingnan sila maliban lang sakin. Dahan dahan akong lumayo sa kanila at yumuko dahil pumapatak na talaga ang luha ko.
*End of Flashback*
Simula noong araw na yun, Inayawan ko ang date na 16th of May, tuwing pumapatak yang araw na yan ay bumabalik lahat sakin. Nung araw na yun ay nangako ako na gagawin ko ang lahat mapasa akin lang si Dwayne. At ito na nga! Malapit na syang mapasakin. Nililigawan nya na ko. I won't let him go! He's mine. Maniwala man kayo o sa hindi, I feel sorry for Klaire.
May kumatok sa practice room nila. Si Katherine ang nagbukas nun, Oo nga pala di na nila ako lead singer dahil bumalik na si Katherine. Pero dahil nililigawan ako ni Dwayne ay may karapatan akong pumasok dito kahit ramdam kong ayaw sakin ng mga kabanda niya.
"O' Klaire! Pasok ka!" bati at paanyaya ni Kath kay Klaire na pumasok naman at niyakap ng mahigpit ni Kath. "Namiss kita! Alam mo ba yun? Nung bumalik ako, di ka pumapasok. 3days kang absent, namiss ko yung pagkanta mo na wala sa tono" dagdag pa nito. Nalungkot naman ako. Gustong gusto talaga sya ng mga ito kumpara sakin. Tumingin sakin si Dwayne nakita nya na nalulungkot ako kaya nginitian nya ko ng alanganin.
"O' Klaire! Pumayat ka yata? Kumakain ka ba sa oras? Tara kain tayo mamaya? Sabay ka samin" paanyaya ni Lourence.
"Oo nga naman! Tingnan mo" Lumapit si Airene kay Klaire at pinisil ang pisngi nito. "Umiimpis na ang siopao mo"
Natawa naman si Klaire, "Ano ka ba Airene" saad nito.
"Bakit ka pala naparito, Klaire?" tanong ni Ticman.
"Ah- uhm ano kasi, may mga ibibigay sana ako sa inyo pero wag nyo ditong buksan. Sa bahay na dapat" sabi ni Klaire, sabay taas nito ng mga paper bag.
"Bakit? Birthday ba namin?" tanong ni Kath.
"Hindi ah! I just want to give you something to remind me" sagot nito, kaya napalingon kami ni Dwayne sa kanya.
"Ano bang sinasabi mo? Mamamatay ka na ba?" tanong ni Airene na sinundan naman nito ng tawa. Tanging tawa lang din ang sinagot ni Klaire,
Nakita kong tumayo si Dwayne, at lumapit kay Klaire, sabay hinawakan nito ang magkabilang balikat ng babae. Makikita mo ang pag aalala sa mata nya.
"Are you sick? Inaatake ka na naman ba ng sakit mo sa puso? Iniinom mo ba ang gamot mo sa oras ha?!" sigaw ni Dwayne habang inaalog si Klaire.
Dahan dahang inalis ni Klaire ang pagkakahawak ni Dwayne sa kanya. "Ano ka ba Dwayne? Nakakahiya kay Ashley. Pasensya ka na Ashley" sabi nito sabay tingin sakin. You can see defeat in her eyes.
Tumango ako para sabihing ayos lang. Tsk bakit ba nagi guilty ako?
"I'm not sick, Di na ko inaatake ng sakit ko at kung iniinom ko man ang gamot ko o hindi ay wala ka ng pakielam dun Dwayne" sabi nito kay Dwayne habang nakayuko. Napakuyom ng kamay si Dwayne.
"Atsaka isa pa, kaya ako nandito ay para sana kausapin ka Dwayne sa huling pagkakataon, hindi para bumalik ka, kundi para magkaroon na ng maayos na closure ang relasyon natin. Kaya Ashley, pwede ko ba syang hiramin saglit. I promise na lulubayan ko na kayo pagkatapos nito" tanong nya sakin.
Ano pa bang closure ang hinihingi nya? Tapos na sila. Yun na yun! Pero kahit labag sa loob ko. Nung makita ko ang mata ni Dwayne na parang nagsasabing pagbigyan ko na si Klaire ay napa oo na lang ako.
Naunang lumabas si Klaire at sumunod naman dito si Dwayne.
"Di naman kasi mangyayari ito kung di ka umepal sa kanila!" sabi ni Katherine. "Tara kain na tayo guys! Nauumay ako sa pagmumukha nyan" dagdag ni Kath sabay labas kasunod ng iba pang miyembro. Ayos lang, titiisin kong lahat to para samin ni Dwayne. Kakayanin ko ito.