Klaire's POV.
"Tikman mo to, say aaaaah" sabi ni Dwayne sakin sabay tutok ng tinidor sa bibig ko na naglalaman ng cake. Sinubo ko naman.
"Hmmm masarap! Anong flavor yan?" tanong ko sa kanya.
"Dark Hazelnut"
"Ito tikman mo" sabi ko sabay tutok sa kanya ng tinidor ko. Sinubo nya naman.
"Mas masarap to, Ito na lang kaya? Anong flavor yan?" tanong nya sakin.
Actually ito din yung gusto ko, kaso masarap din yung ipinatikim ni Dwayne.
"Vanilla coffee with caramel coating" sabi ko. "Ito na lang ba ang wedding cake natin?" tanong ko.
Tumango naman sya.
Nagulat ako nung lumapit sya sakin at hinarap ako sa kanya. Nakita kong pinahid nya yung tissue sa lower lip ko.
"May icing ka pa kulot" sabi nya.
Alam mo yung na stuck ka bigla dahil kinikilig ka.
Napalingon ako kay Love. Nakita kong kinikilig din to.
Kaya nagsalita na ko bago pa nya maisip na asarin kami.
"Bes, Ito na yung flavor. Ikaw ng bahala sa design. I trust you" sabi ko trying to hide the freakin kilig.
"Oo na. Ako pa ba? Kayang kaya to" sabi ni Love. tas lumapit ito sa akin at bumulong "Yung puso mo, umiwas sa landian ng di ka masaktan" sabi nito sabay beso sakin. "Sige na umalis na kayo. Alam kong madami pa kayong aasikasuhin" tulak nito sa amin palabas ng bakeshop nito "Ingat kayo!" sigaw nito habang pasakay na ko sa sasakyan ni Dwayne. Kumaway ito sakin pati kay Dwayne.
Sumunod naming pinuntahan ang dalawang wedding planner na kaibigan ko si Merry-Ca Ramirez (kaapelyido lang sya ni Ashley) at si Princess Nicole Galam.
Hinihintay namin sila dito sa isang italian restaurant.
Nang dumating sila dito ay agad nila akong sinalubong ng yakap.
"Wow Klaire! Ang ganda ganda mo na nga!" bati ni Merry-ca or Meca as we call her.
"Mas maganda ka. Happy newly wed ka. Congratulations sa inyo ni RJ. Sorry di ako naka attend sa kasal nyo" sabi ko.
Umupo kami sa isang table.
"Naku! Okay lang ang ganda naman ng regalo mo" sabi nito.
Natawa ako dito. Pano kasi ang niregalo ko dito ay 10 pirasong lingerie at 10 boxer para sa asawa nito.
"Baliw ka! O ikaw naman Nicole? Anong chika sayo?" tanong ko dito.
"Hay naku te! Alam na pa fling fling lang" sagot nito sakin.
"Ever since naman ay ganyan ka na Nicole, Makakahanap ka din ng katapat mo" sabi ni Dwayne.
"Wag kang mag alala, Yung boyfriend ko ngayon parang sya na ang katapat ko, Si Matthew" Nicole
Natawa naman kami sa sinabi nya.
"So san na tayo ngayon?" tanong ko.
Tiningnan nila Meca ang plan book nila.
"Check na ang food dahil sila Ate Caren na ang gagawa nun" Nicole.
"Check na din ang wedding gown at suit nyo, dahil si Aira ang gagawa nun" Meca
"Check na din ang cake nyo dahil si Love naman ang bahala dun" Nicole
"Check na din ang bridal car mo which is not a car, dahil sila Tito Luis na bahala dun" Meca
"Check na din ang pre nuptial nyo dahil tapos na" Nicole
"Check na din ang mga ninongs at ninangs at mga abay. Check na din pala ang kakanta dahil ang grupo nila Tita Luisa mo ang kakanta" Meca
"Check na ang marriage certificate at table setting" Nicole
"So bale ang kailangan pa nating asikasuhin ay ang distribution of invitation, yung gowns and suits ng mga abay, yung pagkaka set ng video cam sa simbahan, souvenir, bulaklak, bouquet, reception place, at last but not the least ang honeymoon place nyo" sabi ni Meca.
"Honeymoon?!" sabay naming sabi ni Dwayne.
"Kailangan pa ba nun?" tanong ko.
"Baka pwede namang ipagpaliban muna yun" Dwayne.
"Na-uh! Bawal! Utos yun ng parents nyo. Kung may reklamo kayo, sa kanila nyo sabihin" Nicole.
Ngumiti na lang kaming dalawa, Hays! May magagawa ba kami?
"Bukas na ang start ng practice ng kasal nyo ah" Meca.
"Oo, alam namin yun" Ako.
"Okay, Good! Ganun naman pala. Tara ng kunin ang invitations nyo at idi distribute pa natin yun ay mali, pili muna pala tayo ng reception venue nyo" sabi ni Nicole sabay tayo.
Sumunod na lang kami sa kanila.
Marami rami kaming napuntahang magagandang pwedeng pagdausan ng reception pero mas napili na namin ni Dwayne ang Fernwood Garden.
Sumunod na naming pinuntahan ang gumagawa ng invitations namin.
Maya maya lang ay hawak na namin ang sandamakmak na may invitation na ang itsura ay akala mo maliit na slambook. Kung saan ang nagsasarado dito ay isang ribbon na ang laylayan ay pusong may susi. Dalawang kulay ang invitations, violet and as usual blue. Sa mismong cover ng invitation ay nakasulat ang
Kulot ♥ Payatot :)
Sa First page nito ay nakaukit ang
We are cordially inviting you to be a witness on a very special day for Klaire Louise Lim and Dwayne Elliniel Cruz as they unite as one
with the blessing of Mr. Luis M. Lim & Mrs. Ericka Lim (parents of the bride) and Mr. Jack Cruz & Mrs. Fiona Cruz (parents of the groom) on 23rd of December in the year of our Lord 20** at Manila Cathedral .
and followed up by the Grand Reception at Fernwood Garden.
Sa next page naman ay mga kuha namin ni Dwayne na mukha talagang inlove. In fairness magaling ang photographer namin. Ito yung mga kuha namin sa pre-nuptial.
Sa sumunod na page ay mga picture namin ni Dwayne simula nung bata kami, Pati na din nung mga couple days namin.
Sa last part ay may nakasulat na,
"May you bless our marriage"
Sa baba nito ay ang litrato ng magiging singsing namin. Which is both platinum,l. Ang pinagkaiba lang ay may malaking dyamante yung akin sa gitna, Samantalang ang kay Dwayne ay maliliit na marami naman, May naka engrave sa loob ng singsing ko na Payat ♥ Kulot ang sakanya naman ay Kulot ♥ Payat
Natuwa ako sa itsura ng invitation namin. Kami kasi mismo ni Dwayne ang nag isip nun.
Isa isa na naming idineliver ang mga invitation. Naghiwalay pa kaming apat para mapabilis ang paghahatid.
Sa wakas ay natapos kaming apat at nakarating sa meeting place namin ng 4pm which is sa Manila Cathedral.
Ang daming inayos doon at pinagplanuhan na nila Merry Ca ang pagsasaayos ng simbahan para sa mismong kasal ko.
Mga bandang 6pm na ng matapos ang pagsasaayos at paglalagay ng mga videocam sa simbahan.
Agad kaming dumiretso sa gumawa ng souvenir namin.
And guess what kung anong itsura nun? Well, merong kulot na bride na sinusubuan ng isang sandok na kanin at ulam ang groom nya, Samantalang ang groom naman ay pinaplantsa ang buhok nito.
Tama kayo, Kaming kami nga! Si payat at kulot. Naka engrave ang pangalan namin na Mr. and Mrs. Cruz at katabi nito ay ang petsa ng kasal namin.
Nung nakuha na namin ang souvenir ay nagtungo naman kami sa gumawa ng gowns at suit ng mga abay,
Ang motif ng kasal namin ay light blue and white kaya ang mga abay na babae ay naka light blue gowns na iba iba lamang ang design at cut na ayon sa gusto nila dahil sinukatan naman sila at ang sa mga lalaki naman ay white tuxedo.
Samantalang ang mga bata naman na katulad ng pamangkin namin na si Azce at Kirk ay color violet.
Nang makita ko ng okay na pala ang mga gowns at suits nila ay ninotify ko na silang pwede na nilang kunin iyon dito.
Mag e 11pm na ng makarating kami sa florist na kaibigan ni Mommy Fiona buti na lang ay hinintay kami nito. Umuwi na sila Meca at Nicole.
Madaming bulaklak ang nandun. Naggagandahan talaga sila. Pinili ko ang violet na bulaklak para sa simbahan at sa reception.
Para naman sa mga abay ay pinili ko na lang na mag red roses sila.
Nasa utak ko na na white roses ang magiging bouquet ko, when this flower caught my eye
"Hala! Violet roses!" sabi ko sabay lapit sa roses na to.
"Ah. Oo. Painted lang yan" sabi ng florist.
"Ay! Yan na po, yan na po yung gusto ko bilang bouquet ko" masaya kong sabi. Nakita ko namang natawa si Dwayne at ang Florist.
"She adores violet too much po" sabi ni Dwayne.
Mga mag aala-una na ng madaling araw ng makarating kami sa sky gate, para magpa book ng flight namin.
Napagkasunduan namin ni Dwayne na sa Paris na lang mag honeymoon.
Pagkatapos naming makapagpabook ay agad agad na kaming umuwi. Sobra kaming napagod sa ginawa namin.
In 4 days ikakasal na ko sa kanya, Magiging mag asawa na kami.
Nang ihatid nya ko sa bahay ay pinag juice ko muna sya. Tulog na sila mama.
Naupo kami sa may sala at ang huli kong naalala ay nagkukwentuhan pa kami ni Dwayne bago ako hilahin ng antok.
Kinaumagahan ay nagising ako sa flash ng camera. Pagdilat ko at pag angat ko ng ulo ko ay bumungad sakin ang gwapong mukha ni Dwayne.
Nahulog ako sa sofa ng mapansin ko ang pwesto namin. Nagtawanan sila Mama kaya nagising na si Dwayne.
Pano ba naman kasi ang posisyon namin nakahiga ang ulo ko sa dibdib ni Dwayne at nakayakap kami sa isa't isa.
Natawa silang lahat sakin. Bakit parang tuwang tuwa pa sila? Hay naku naman.