Klaire's POV.
"Ang bobo mo, ang bobo mo Klaire Louise" sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. Nahampas ko ang lababo ng malakas dahil sa inis sa sarili.
Nung mapatingin ako sa salamin naaalala ko na naman kung pano kami nagtitigan na dalawa. Kung bakit di ko maalis ang mga tingin ko sa kanya habang kinakanta ko yun. Bakit ba ko nagkakaganito? Napasandal ako sa isa sa lababo.
Maybe I dedicate that song to him.
Maya maya lang ay pumasok yung isang taong gusto kong pagkasyahin sa lata ng NIDO.
Who else would it be? kundi si Ashley.
Sandali kaming nagkatitigan pero una akong umiwas ng tingin. Humarap ako sa lababo at binuksan ang gripo para maghugas ng kamay.
"Bakit bumalik ka pa?" napalingon ako ng magsalita sya. "Bumalik ka para sirain kami?!" sabi nya. Kita ko ang inis sa mukha nya.
"Wala akong oras para sa kadramahan mo Ashley" sabi ko bago ko sya nilagpasan.
Nagulat ako ng marahas nya kong hinila sa braso.
"Sumagot ka! Aagawin mo sya diba?!" sabi nito sa akin.
Sorry pero kung dati mahaba ang pasensya ko at mabait ako, ngayon katiting na lang ito at ready akong ma beast mode lalo na sa babaeng to.
"Ako pa? Ako pa talaga ang mang aagaw?! Haha shame on you! Ang galing mo naman! Sa ating dalawa, ikaw ang mang aagaw, ikaw ang umangkin ng hindi sayo! Remember how you stole my ex boyfriend 5 years ago? Kung natatakot ka na aagawin ko sayo si Dwayne well, Di kita masisisi dahil sandamakmak na yang insecurities mo sakin" sabi ko sabay smirk sa kanya.
Nagulat sya sa pagsagot ko. Napako naman ang tingin nya sa suot ko.
"Yung suot mong gown ngayon. Yan yung gown na pina reserved ko sa mall! How dare you take it?!" sabi nito sakin.
Nag fake laugh ako. "Ito ba?" sabi ko sabay turo sa gown ko, "Pasensya na ha? Sa tingin ko mas deserve ko ang gown na to. Hindi lang dahil sa afford na afford ko to kundi dahil" tiningnan ko sya from head to toe. "Mas bagay na bagay sakin to. Don't worry after ng event na to. Ipapa laundry ko to at ipapadala sayo, kawawa ka naman kasi. Mahilig ka pa naman manguha ng hindi sayo" sabi ko sabay alis ng kamay nya sa braso ko.
"Malandi ka talaga! Hinding hindi ka mananalo sakin!" sabi nya.
"Oh really? I bet you don't mean that" sabi ko sabay ngiti. "Kasi kahit anong gawin mo, you'll end up losing Ashley. Hindi na ko tulad ng dati. Watch me take back the things that I lost" dagdag ko bago ko sya kinindatan na mas nakadagdag sa inis nyang mukha tsaka diretso akong lumabas.
Ang sarap sa pakiramdam na nagawa ko yun. Ngumiti ako ng masaya.
"Taray, parang grammy award winner lang ang ngiti" nagulat ako sa nagsabi nun. Si Tessa pala at magkakasama silang pito.
"Wag mong sabihing maganda ka ngayong gabi. Yung mga titigan nyo" Haria.
"Anong meron sa inyo at nag couple of the night pa kayo?" Aira.
"Nagsubuan pa sila, napaka sweet naman" Cherry habang naka crossed arms.
"Wala yun! Di sinasadya yun" paliwanag ko. Bakit parang feeling ko kino corner nila ako.
"Di daw sinasadya? Malandi ka bes. Yan ka na naman akala ba namin nakapag move on ka na?" Valerin.
"Oo naman!" Confident kong sagot sa kanila.
"Yan ba yung nakapag move on? Eh parang nahuhulog ka na naman" Dianne.
"Hoy Klaire! Literal na may sakit ka na nga sa puso. Wag mo namang hayaang masaktan ng masaktan pa talaga yang puso mo" Love.
"Hindi naman na" Klaire.
"Nararamdaman kong mahuhulog at mahuhulog ka pa din bes. Please ingatan mo ng wag ka ng masaktan dahil baka kaming pito, ay walo pala kasama si Niall ay bumagsak sa kulungan dahil sa murder case" Cherry.
"Ayos lang naman na mainlove ka ulit sa kanya kaso ang problema masasaktan ka na naman ulit, baka di mo na kayanin" Haria.
"Ano ba mga best? Imposible yun! Nadala na ko at kung mangyayari man ulit yun ayos lang, I'm strong enough, so please don't worry about me. Thankful ako sa inyo sobra dahil you never let me down" sabi ko sabay open arms sa kanila.
"Alam mo namang mahal na mahal ka namin eh" Tessa.
Sabay sabay silang yumakap sakin.
I'm glad to have friends like them.
"Ehem! May I interrupt this cheesy moment" sabi ni Niall kaya isa isa kaming naghiwalay.
"I know that you girls are having fun, but my princess" sabi nito sabay liyad ng kamay sakin. "Can I have your first dance tonight?"
Napangiti ako sa sinabi ni Niall. Why can't I just fall inlove with this guy?
Ngumiti ako at binigay ang kamay ko sa kanya.
Dinala nya ko sa dance floor kung saan ang tugtog ay "King and Queen of Hearts"
Nandun din si Dwayne at Ashley na nagsasayaw. Sandali silang napatingin samin pero di ko na sila tiningnan sa halip ay nilagay ko na sa balikat ni Niall ang kamay ko, Nginitian ko sya. Nilagay nya ang kamay nya sa bewang ko, Sinandal ko ang ulo ko sa dibdib nya.
"Did you know what I love about you?" tanong nya sakin. Umiling lang ako habang nakasandal pa din sa kanya.
Naramdaman kong huminga sya ng malalim.
"You are so fragile and unique, It's like I have to protect you from all the things and people that can hurt you. I love your uniqueness which is incomparable to anyone. I love your genuine smile and laugh even if your hurt. Klaire I love every detail about you" sabi nito.
Kaya napatingala ako, Nagtataka ako kung bakit nya sinasabi ang lahat ng ito.
"Niall, why are you saying this?" kabado kong tanong sa kanya. Para kasing may mali.
"You'll know it later. But, I want you to remember something. I'll be always here for you, and if their plan didn't work. I'll be here to catch you again, I love you Klaire" sabi nito bago ako niyakap ng mahigpit.
"Wait Niall, anong plano? Di ko naiintindihan?" sabi ko. Nakita kong nginitian nya lang ako. Nagulat ako nang may kumalabit sakin, Si Mr. Mark.
"Bakit Mr. Mark?" tanong ko,
"Ipinapatawag na po kayo ng magulang nyo Ms. Klaire. Please sundan nyo po ko" sabi nito kaya dali dali kaming sumunod. Wala na pala sa dance floor sila Ashley.
Dwayne's POV.
Nagsasayaw kami ni Ashley nang matanaw ko na papalapit si Niall at Klaire na mukhang magsasayaw din. Nagkatinginan kami pero nakita kong binalewala lang nila iyon at nagsayaw na o let me say para silang nagyayakapan.
"Sweetheart, promise me na akin ka lang no matter what?" biglang sabi ni Ashley habang nakasandal sa dibdib ko.
"Yeah" sabi ko.
"Kahit pa, paghiwalayin tayo dapat akin ka pa din" sabi nito.
Nagtataka ako kaya inangat ko na ang mukha nya to reveal na umiiyak pala sya buti na lang medyo dim ang dance floor kaya walang makakapansin ng pag iyak nya.
"Ano bang pinagsasasabi mo Ashley?" tanong ko.
"Paghihiwalayin na nila tayo tonight Dwayne!" sabi nya sabay ub-ob uli ng ulo nya sa dibdib ko. Iyak sya ng iyak. Kilala ko na ang tinutukoy nilang sila. Sina mommy at daddy.
"Binantaan nila akong my life would be a living hell kapag di tayo sumunod" dagdag nito.
I can't find the words to say, Kilala ko ang magulang ko, I know how powerful they are. Alam ko what they are capable of doing. Pero di ko maisip kung anong rason bakit gusto agad nilang hiwalayan ko si Ashley.
"Mangako ka na ipepeke lang natin ang hiwalayan natin, dahil kung hindi, magpapakamatay ako" Nagulat ako sa sinabi nya kaya hinarap ko sya saken. "Mangako ka!" sabi nito sakin.
"O-oo" tanging nasabi ko. Ayokong may mangyari kay Ashley. Marami na syang pinagdaanan kahit ito man lang maibigay ko sa kanya. Maya maya lang ay may kumalabit sakin, Isa sa mga body guards nila Daddy. Ipinapatawag na daw kami.
Wala akong magagawa, Di ko kayang kalabanin ang magulang ko. They've been a good parents to me. Never sila nag demand. Ngayon lang but at least I have to know the reason why. Nakita kong mukhang nag uusap din sa dance floor sila Klaire kaya umalis na kami. Di ko maatim na makita ang over sweetness nilang lambingan.
Third Person's POV.
Sa loob ng kwarto ay nag uusap ang mga magulang nila.
"Tama bang nakikielam tayo sa kanila?" tanong ni Jack sa kanila.
"Oo! Tama dahil ikabubuti nila to at ng kumpanya" sabi naman ni Fiona.
"We know how much they loved each other before, alam naman natin na ang nakasira lang ay ang pagpasok ni Ashley. I know at ramdam kong mahal pa nila ang isa't isa" sabi naman ni Ericka
"But what if things don't work out between the two of them? Pano kung tapos na pala talaga ang lahat sa kanila? Dapat hayaan na lang natin silang magdesisyon para sa sarili nila" sabi ni Luis na sinang ayunan naman nila.
"Naaawa lang ako kay Niall at bahagya ng kay Ashley. Mahal na mahal nila ang mga anak natin" Ericka.
"But they have to give way para sa talagang nakatakda" sabi naman ni Jack.
"Tama. Kaya galingan nyo sa alibi nyo, para sa kanila din ito" sabi naman ni Fiona.
Maya maya lang ay nakarinig na sila ng katok at pinapasok nila ito na walang iba kundi si Dwayne at Ashley. Maya maya lang din ay sumunod ng pumasok si Niall at Klaire.
Parehong partido ang nagulat dahil nagtataka kung bakit nandito ang bawat isa.
"Pinatawag namin kayo ngayon para ipaalam ang nakatakdang plano para sa inyo. Which is alam na ni Niall at maluwag nyang tinanggap" Sabi ni Jack
"May alam ka dito?" tanong ni Klaire kay Niall,
"I'm sorry" yun ang tanging nasabi ni Niall na malungkot ang mukha.
"Ano po ba iyon daddy?" tanong ni Dwayne na kinakabahan na din katulad ni Klaire.
"Si Niall at Ashley ay hihiwalayan na kayo. Aalis na sila as special someone nyo" sabi ni Luis
"Ano?!" sabi ni Klaire na napatayo na dahil sa gulat ngunit maya maya ay umupo din.
"Pero bakit nyo po pinapagawa yun?!" tanong ni Dwayne.
"Simply because, you Dwayne and Klaire are getting married" sabi ni Fiona.
Halos malaglag ang panga nilang dalawa at pati si Ashley sa katotohanang kaya pala sya pinapalayo ay ipapakasal si Dwayne sa former girlfriend nito.
"B-bakit kailangan kaming ikasal ni D-dwayne?" nanginginig na tanong ni Klaire.
"If hindi naman daw magiging isa ang business natin, Magpu pull out ang mga investors at babagsak ang mga negosyo natin na pinaghirapan namin nila kumareng itayo" sabi ni Ericka "Gusto ng board members na maging iisa na ang negosyo natin at mangyayari lamang iyon kung ipapakasal kayo" dagdag pa nito.
"P-pero pano si Niall?" tanong ni Klaire kay Niall na halos maluha na, Nagi guilty kasi sya para sa binata.
"Don't worry about me, I already knew this 5 years ago. I'm sorry that didn't tell you" sabi ni Niall ng malungkot.
Naiintindihan naman ni Klaire si Niall. Malamang ay tinakot din ito ng magulang nya.
Napalingon sya kila Dwayne at nakita nyang inaalo nito si Ashley na umiiyak.
"Klaire at Dwayne this is for your own benefits. Do you agree" tanong ni Fiona
Gusto pa sanang sumagot ni Dwayne pero mas minabuti nyang manahimik na lang.
"Yes" napalingon si Klaire ng pumayag si Dwayne. Takang taka sya kung bakit pumayag ito.
Pero naisip nya na gaya nya ay wala rin naman itong magagawa kaya bumagsak sya sa
"Pumapayag na din po ako" sambit ni Klaire na ikinagulat ni Dwayne.
Naisip din kasi ni Klaire ang pinaghirapan ng mga magulang nila.
"Good! That's good, From this moment, you two are not allowed to see Niall and Ashley until sa araw ng kasal nyo. Nagkakaintindihan ba tayo ?" tanong ni Jack.
Kaya tumango silang apat.
"Sige na Niall, Ihatid mo na si Ashley" sabi ni Mr. Lim na sinunod naman ng binata at niyaya si Ashley na umuwi na.
Bago lumabas ay lumuhod si Niall sa harapan ni Klaire at nagsabing
"Just remember what I told you. Don't cry okay? Always smile my princess" sabi nito kay Klaire kaya tumango naman ang huli habang umiiyak. Hinalikan ni Niall si Klaire sa noo before he bid his goodbye to the girl he loved the most.
Umalis na ang dalawa kaya naman.
"Dwayne, ihatid mo na si Klaire, gamit ang sasakyan mo" utos ng ina nito sa kanya.
"Ipapauwi na lang namin ang sasakyan mo sa driver, Klaire" saad naman ng ina ng dalaga.
"Ibig bang sabihin sayo yung galaxy lamborghini na color violet sa labas?!" gulat na tanong ni Dwayne kay Klaire.
"Oo, bakit? Wag mong sabihing--" tanong ni Klaire,
"Oo tama ka, parehas tayo!" sagot naman ni Dwayne.
"Ano?!" Klaire.
"Mga anak. Chill! Advance engagement gift namin sa inyo yan. Couple ang sasakyan nyo, napakaganda diba?" masayang sabi ni Mr. Lim sa dalawa na inilingan naman ng dating magkasintahan.
"Ay ganun hahaha. O sya mag-eenjoy pa kami sa party. You two enjoy each other bago mo sya ihatid sa bahay Dwayne" dagdag pa nito bago masayang lumabas.
"Tsk" yun ang tanging naturan nilang dalawa.
"Tara na nga sa kotse!" angil ni Dwayne na naiinis dahil sa paghalik ni Niall kay Klaire. Padabog syang lumabas na sinundan naman ng dalaga.