CHAPTER 27 The Billionaire's Vulnerable Heart “Sa susunod na Linggo, may birthday celebration ang isa sa kaibigan ng boss natin at dito nila naisipan na mag-celebrate ng lunch at dinner dahil after ng dinner ay baka ang iba ay diretso na sa bar para doon magsaya. So, magiging busy tayo next week, kaya advance ko ng sinabi ito sa inyo para makapaghanda tayo.” saad ng manager namin. Kanya-kanya naman kami ng pagsang-ayon sa sinabi ni ma’am. Hindi pa rin naman nagbabago ang isip ko. Doon pa rin ako sa nakasanayan na hindi na aabot pa ng sobrang hapon o madilim ang oras ko. Dapat nasa bahay na ako sa mga oras na iyan kaya ang mga kasamahan ko na ang bahala, tanghalian lang talaga ang kaya ko. “Alam ko na ang nasa isip mo kaya ngayon palang Kimberly, tigilan mo iyan kung ayaw mong masakt

