CHAPTER 32 The Billionaire's Vulnerable Heart Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata, so weird dahil may nakita akong chandelier, kailangan pa kami nagkaroon ng ganyang ilaw sa apartment, bumili ba ako? “Oh my, gising ka na- nurse! Gising na siya." Mahinahon na boses ng babae ang narinig ko at nang lingunin ko siya ay naging familiar ang mukha ng babae sa akin. Hindi pa ako nakapag-adjust sa ilaw kaya ilang pikit mata ang ginagawa ko. Anong nangyari sa akin at bakit tinawag niya ang nurse? Napabalikwas ako ng bangon, bigla kong naalala si Ian. "Hi Ashera–huwag ka munang bumangon, yet, saka na kapag sinabi ng doctor." Ashera? At nang matanto ko kung sino ang nasa harapan ko ay kunot noo ko itong tiningnan. "Ano po ba ang nangyari?” ngumiti ito sa akin habang hinahaplos ang bu

