Mabilis kong kinuha ang alak. Agad din akong tumayo at umalis sa aking pwesto dahil balak akong saktan ng hayop na lalaki. Ngunit agad kong binuksan ang takip ng alak at ilang bese akong lumagok. Ngunit nakikita ko ang gulat nila sa aking ginawa. Gusto ko tuloy tumawa ng malakas. “Ang sarap ng alak na ‘to, imported yata ‘to, ah?!” Sabay tingin kay Gobernador Owen Ang. Kitang-kita kong nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin sa akin. Ngunit nagkibit balikat lamang ako at hindi talaga ako natakot dito. “Relas ka lang Gobernador! Masyado ka namang high blood. Wow! Iminom lamang ako ng alak na ito ay ang gwapo mo sa aking paningin ang hot mong tingnan!” mapang-akit na sabi ko sa lalaki at kumindat pa ako rito. Malakas ulit akong humalakhak. Pagkatapos ay tumingin ako kay Romos Jad.

