Selena's POV Naghihintay ako ngayon dito sa aking kinauupuan habang panay ang tingin ko sa aking cellphone. Inayos ko ang paparbeg na sa tabi ng aking paa bago tinignan ang labas ng coffee shop. Kakaorder ko lang din ng maiinom dito dahil baka si Iñigo na naman yung magbabayad para sa akin. Ilang beses na niya yung ginawa at kahit kailan ay hindi pa talaga ako hinahayaang magbayad ng sarili kong binili. "Here's your order ma'am, enjoy." Inilapag ng isang waitres ang inorder ko dahilan upang mapangiti ako sa kanya. "Salamat." Ningitian niya rin ako paballik bago umalis. Saktong pag-alis niya ay may isang customer na pumasok sa sa coffee shop. Nang tignan ko ito ay nakita ko si Iñigo na panay ang tingin sa buong lugar na tila may hinahanap. "Iñigo." Tawag ko sa kanyang pangalan atsa

