Maagang nagising si Zoraida kinabukasan, sa araw ng kaarawan niya. Kinalimutan niya munang death aniversarry ng nanay niya at sinimulan ang umaga niya ng isang matamis na ngiti. Pero kahit ganoon ay hindi pa rin maiwasan ng isipan niyang hindi tanawin ang nakaraan. Kahit anong pilit niyang kalimutan kahit ilang oras lang ay pilit na bumabalik ang lahat sa kanya. Kirot sa puso niya ang natanggao nang maalala niyang muli ang mukha nang kanyang mahal na ina. Unti-unting namuo ang luha sa kaniyang mga mata pero agad niya iyong pinunusan gamil ang likuran ng palad. She made her self busy instead. Pinagluto niya ang mga amo ng agahan at maagang tumungo sa university kung saan siya nag aaral. Maaga pa kaya dumiretso muna siya sa library para mag-aral. First term exam nila kaya kinakailangan niy

