“Zoraida Mainne Versia, a murderer of her own Mom!” She clenched her jaw as she read the header of the paper she is holding. Halos mapunit na nga iyon sa higpit ng pagkakahawak niya dahil sa panggigigil. Malapit na sana siyang makarating roon pero napahinto siya bigla nang hinarangan ng kaibigan niyang si Aiden ang daanan. Napalunok ng laway si Aiden. Natatakot siya hindi dahil sa nalaman niya. Natatakot siya dahil alam niyang oras na makita ni Zoraida ang dami ng mga papel na nagkalat sa labas na may nakaprintang pangalan at mukha niya ay paniguradong masasaktan ito ng lubusan. Hindi siya naniniwala roon. Alam niyang hindi iyon kayang gawin ni Zoraida. Kahit ilang buwan pa lang silang magkakilala ay alam niyang mabait na tao ito. Kinakabahan siyang ngumiti. Ayaw niyang masakt

