“Seryoso ka ba na siya?” Tanong ni Zoradia kay Matteo at tinuro ang matanda. Papalapit sa kanila ang matandang lalaki na kilala ni Zoraida bilang isang manyak*s na tindero sa palengke na si Tomas. Paano naging doktor iyan? Talaga ngang totoo iyong sabi-sabi na don’t judge the book by it’s cover. Si Zoraida sa kaniyang isipan. “Bakit kilala mo ba siya?” Tanong ni Lorenzo, nag k-kuwentuhan na ang matanda at si Matteo ngayon. He’s asking him some questions. “Oo, tindero doon sa palengke.” “Pasok kayo.” Aya nito matapos siyang kausapin ni Matteo. “Isa kang Timbreza, hindi ba?” Tanong nito nang makaupo si Lorenzo. Nasa loob sila ngayon sa bahay nito at masasabi ni Zoraidang napakalinis roon. “Pamilyar ka sa akin hija,” ani naman nito ng malingunan siya. Ngumiti ito sa ka

