Agad na tumungo si Nancy sa lokasyon kung saan mahahanap ang komapanya ni Lorenzo, nang marinig niya ang pag-uusap ng mga kaibigan niya kanina sa cafeteria ay agad siyang umalis upang magbihis para gawin muli ang isang bagay na akala niya’y tapos na niyang gawin, ito ay ang pagsunod sa kung saan man pumupunta si Lorenzo. Nawala lahat ng pag-asa niya sa dibdib nang marinig lahat ng mga sinabi ng mga kaibigan niya. Ang maliit na pag-asang unti-unti na sanang umuusbong sa loob-loob ng damdamin niya ay agad na gumuho at naglaho na para bang bula. Ngayon ay napalitan na naman iyon ng kaba, poot at sakit. Dahil din sa nalaman niyang iyon ay tila nakalimutan niyang nakita niya ang kaniyang dating kaibigan na si Zoraida dahil sinakop na naman ni Lorenzo ang buong isipan niya like he used to do

