Nagmamadaling lumabas si Mitch mula sa kwarto nila ni Chris matapos siyang balitaan ng isang pulis na nasa hospital ang mag-ama niya at parehong nasa operating room habang ginagamot. “Mitch, saan ka pupunta?” gulat na tanong sa kanya ng mommy niya nang masalubong niya ito sa may hagdan. It was already in between 2 to 3 am at nagulat siya na gising pa rin ang mommy niya. Sinamahan siya nito kanina pag-alis ni Chris at pinatulog. Ngunit dahil labis siyang nag-aalala para sa kaligtasan ng mag-ama niya ay mababaw lang ang naging tulog niya. Kaya nga isang ring lang ng cellphone niya ay agad siyang nagising dahil talagang hinihintay niya ang tawag ni Chris o ng pulis. “Sa hospital Mom. Parehong may tama si Chris at si Mikael.” Nagmamadaling sabi niya habang mabilis ring namamalisbis ang mga

