Ako pa lang yata iyong makipagsagutan habang karga-karga ng isang gwapo. Parang gusto kong matawa nang mapansin ang dumaang inggit sa mga mata ni Jeanne sa kasalukuyan kong puwesto sa mga bisig ni Trey. Sinadya kong paraanan nang nang-uuyam na tingin si Jeanne para lalo niyang maramdamang talo ko siya pagdating kay Trey. "Mabuti na lang at nagbago na ang taste ni Trey sa babae," malamig kong saad. "Wala kasi akong nakikitang espesyal sa'yo." Ibinalik ko sa kanya ang hulo niyang sinabi sa'kin. "You're nothing compared to me," prangka kong pagpapatuloy. "At para sa kaalaman mo ay wala akong balak baguhin si Trey. Siya na mismo ang gagawa niyon sa sarili niya para sa'kin." Puno ng kumpyansa kong sinalubong ang mga mata ni Jeanne. Bahagyang namumula ang mga ito dahil sa samo't saring emo

